Nadine takang-taka kung bakit natsitsismis na buntis every year: ‘Kung pregnant ako, ipagsisigawan ko sa buong mundo’
INAMIN ng actress-singer na si Nadine Lustre na tulad ng mga normal na indibidwal, “makalat” din daw siya sa totoong buhay.
Binasag ng dalaga ang paniniwala ng kanyang mga tagasuporta at ng madlang pipol na super organized siya sa lahat ng bagay tulad ng mga ipino-post niya sa social media.
Sey ni Nadine, hindi rin daw ganu’n ka-perfect ang kanyang life kung ikukumpara sa mga nakikita at napapanood ng netizens sa mga photos at videos niya sa Instagram.
Ayon sa premyadong aktres, hindi lahat ng nakikita sa social media ay nagre-reflect sa tunay na buhay ng isang tao. Sa katunayan, marami pa raw hindi alam ang publiko tungkol sa kanyang buhay.
“I guess that I am a clutterhead,” ang diretsahang pag-amin ni Nadine sa isang vlog interview mula sa Cosmopolitan Philippines na ang tinutukoy ay ang iba’t ibang “kalat” niya sa buhay.
View this post on Instagram
“Because I feel like people see me as someone very composed, someone who knows what she wants. I’m actually the total opposite of that,” pahayag ng aktres.
Pagpapatuloy pa niya, “Kasi people, when they see my Instagram and they’re like, ‘you’re so creative, you’re so put together.’
Baka Bet Mo: Bettinna Carlos shookt nang malamang buntis na uli matapos makunan: Totoo ba, to!? God knows His time talaga!
“I’m actually not. I’m actually all over the place especially right now,” sey pa ng dalaga.
“I don’t know what I want. You ask me what I want to eat. I don’t know. It’s not simple. It’s not that simple,” hirit pa niya.
Tungkol naman sa mga intriga at tsismis na ibinabato sa kanya, ang pinakanakakaloka at nakakatawa raw ay ang chika na buntis siya at taun-taon na lang daw ay ito ang iniisyu sa kanya.
“This happens every year. I don’t know why, I don’t know how. People just decide that I am pregnant every year. I don’t even look like it.
“I mean, if I am pregnant though, I would happily announce it to the world. Sadly, guys, I’m not pregnant and I’m not pregnant every year,” ang natatawang chika pa ng aktres at content creator na rin ngayon.
Tanong ng mga ‘Marites’: Julia Montes may itinatago nga ba kaya may nakapatong na unan sa tiyan?
Pokwang sa lahat ng magulang na lumalaban para sa pamilya: Wag tayong susuko!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.