Tanong ng mga 'Marites': Julia Montes may itinatago nga ba kaya may nakapatong na unan sa tiyan? | Bandera

Tanong ng mga ‘Marites’: Julia Montes may itinatago nga ba kaya may nakapatong na unan sa tiyan?

Ervin Santiago |June 16,2022
facebook
share this

Tanong ng mga ‘Marites’: Julia Montes may itinatago nga ba kaya may nakapatong na unan sa tiyan?

Ervin Santiago - June 16, 2022 - 07:06 AM

Julia Montes at Coco Martin

HINDI pa man umaamin o nagdedenay si Julia Montes kung totoong may anak na sila ni Coco Martin, usap-usapan na naman sa social media kung pregnant na naman daw ang aktres.

Kanya-kanyang komento ang mga netizens, lalo na ang mga “Marites” sa latest Instagram post ng Kapamilya star para sa isa niyang endorsement.

Sa isang photo na ibinahagi ni Julia ay napansin ng kanyang IG followers ang suot nitong singsing sa kaliwang kamay at sa mismong ring finger na karaniwang ginagamit para sa wedding ring.

Kaya naman halos lahat ng nag-comment ay nagtatanong kung totoong nagpakasal na nga sina Julia at Coco lalo pa’t may mga nakapansin na parang  magkapareho ang singsing ng dalawang Kapamilya stars.
Tinawag pa nga ng ilang IG users ang aktres na Mrs. Martin.

Samantala, napansin din ng mga netizens na tila itinatago ni Julia ang kanyang tiyan sa iba pa niyang mga litrato sa IG. Sa unang litrato, nakaupo si Julia at natatakpan ang kanyang tummy ng mga produktong kanyang ineendorso.

Sa second picture naman ay may nakapatong nang unan sa kanyang tiyan habang siya’y nagkakape. Pansin din ng kanyang socmed followers, parang nadagdagan ng timbang ang aktres na isa raw sa nga senyales na pregnant ang isang babae.

Kaya naman ang tanong ng netizens, buntis nga ba si Julia sa sinasabing second child nila ni Coco?

Ito nga ba ang rason kung bakit hindi na siya masyadong napapanood sa “FPJ’s Ang Probinsyano” bilang leading lady ni Coco as Cardo Dalisay at gumaganap na anak nina Megastar Sharon Cuneta (Aurora) at Rowell Santiago (President Oscar Hidalgo)?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08)


Narito ang ilan sa mga reaksyon ng mga nakakita sa post ni Julia.

“Tumaba ka bigla Juls.”

“I think she’s pregnant.”

“Is she pregnant?”

“Kailan ka po babalik sa ang Probinsiyano?”

“Hello baby!”

“Woowww fresh na fresh at super GANDA… Balik kna pls. Sa fpj AP ndi na galit si armando at lolita… Kailangan ka ni cardo at ng mga agila kawawa si lucas xa nlng ang nttirang matino sa grupo nio.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Walang sinagot si Julia sa mga comments ng kanyang IG followers. Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag nina Julia at Coco hinggil sa isyung ito.

Julia Montes sa bahay na ni Coco Martin nakatira?

Julia Montes miss na miss na ng fans kaya may ‘paramdam’ sa ABS-CBN

Dimples kay Julia Montes: Kilig na kilig yarn?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending