Nadine walang balak makisawsaw sa 'padyowa reveal' nina James Reid at Issa Pressman; pinuri sa bagong vlog | Bandera

Nadine walang balak makisawsaw sa ‘padyowa reveal’ nina James Reid at Issa Pressman; pinuri sa bagong vlog

Ervin Santiago |March 21,2023
facebook
share this

Nadine walang balak makisawsaw sa ‘padyowa reveal’ nina James Reid at Issa Pressman; pinuri sa bagong vlog

Ervin Santiago - March 21, 2023 - 02:10 PM

Nadine walang balak makisawsaw sa 'padyowa reveal' nina James Reid at Issa Pressman; pinuri sa bagong vlog

Nadine Lustre

ABANGERS ang madlang pipol at ang mga Marites sa magiging sagot ng award-winning actress na si Nadine Lustre sa padyowa reveal nina James Reid at Issa Pressman.

Hanggang ngayon kasi ay parang dedma lang si Nadine sa pangnenega at pamba-bash ng ilang JaDine supporters kina James and Issa matapos aminin ang kanilang relasyon.

Inakala nga ng mga netizens na may pasabog si Nadine sa bago niyang vlog sa YouTube ngunit nabigo nga sila dahil walang nabanggit ang dalaga tungkol sa ex-boyfriend at sa sisteraka ni Yassi Pressman.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)


May mga JaDine fans naman ang nagsabi na tama lang ang desisyon ni Nadine na huwag nang sumawsaw at pumatol sa pang-uurot ng mga netizens na sagutin ang naturang issue.

Maraming fans ang JaDine ang nagalit sa rebelasyon nina Issa at James dahil feeling nila totoo ang chika noon na ang kapatid ni Yassi ang dahilan ng breakup ng iniidolo nilang loveteam.

Ngunit sa gitna nga ng nga kontrobersyang ito ay mukhang unbothered naman si Nadine at sa halip na makigulo pa sa issue ay mas pinili nga ng dalaga na manahimik na lang.

Pero kahit nga walang pasabog na rebelasyon si President Nadine, super nag-enjoy naman ang kanyang mga YT subscribers sa bago niyang content.

Nakasama rin ng aktres sa nasabing vlog ang kanyang mga kaibigan at boyfriend na si Christopher Bariou kung saan ipinakita niya ang mga kaganapan sa buhay niya nitong mga nakaraang araw.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝐈𝐒𝐒𝐀 (@pressmanissa)


Halos lahat ng mga eksena ay puro si Nadine ang kumukuha. Wala ring background music ang video kaya ding na dinig kung ano ang natural sound sa paligid.

Baka Bet Mo: Yassi Pressman nagbabala sa madlang pipol: Try harder to be educated with facts

Kabilang sa mga ibinahagi ng aktres sa kanyang mga subscribers ay ang pagpunta niya sa isang mood-healing sanctuary na “Van Gogh is Bipolar” na matatagpuan sa Quezon City.

May patikim din siya sa mga bonding moments nila ng kanyang kaibigang social media superstar na si Bretman Rock. Bumisita recently si Bretman sa Pilipinas para sa promotion ng kanyang memoir na “You’re That Bitch.”

Magkasamang nagpunta ang Pinoy online sensation at si Nadine sa tourist attraction na “Pinto Art Museum” sa Antipolo City.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by James Reid (@james)


Sandamakmak na comments naman ang nabasa namin mula sa mga fans ni Nadine at narito ang ilan sa mga ito.

“Minimal to even no make up but sooo pretty!!! Ang GANDA mo po! Sana everyweek na may upload. Hehehe!”

“Nadine’s vlogs are really refreshing, it’s not something the vloggers here in PH usually do. That in itself is very on brand of Nadine, never following the trend & always making her own thing. Love you Nadz! Here since ‘14.”

“Love this quiet, aesthetic type of vlogs. It’s so relaxing.”

“I love that it’s so raw.”

“Now that is therapy!”

“Accckkkkkk so gorgeous mameeee!!!”

“There was no sound effects or what but bru… felt like i’m at home, watching the fam do their thing ahahaha this is cuteee!”

“No intro or voice over needed! very simple.”

“Hw can be this aesthetic uuh”

“Our president being aesthetically herself for 12 mins. I’m livinggg.”

“Napaka peaceful at calmn ng buhay mo ngayon nadz, salamat sa pag share ng ganap mo sa amin. Mahal ka namin.”

James Reid, Issa Pressman may pa-‘soft launch’ nga ba ng relasyon, banat ng netizens: ‘Time is the ultimate truth teller talaga!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Yassi malalim ang hugot laban sa mga Marites: ‘Maka-judge…baka i-limit ko na ang comments section ko kung may hurtful words’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending