James Reid, Issa Pressman may pa-'soft launch' nga ba ng relasyon, banat ng netizens: 'Time is the ultimate truth teller talaga!' | Bandera

James Reid, Issa Pressman may pa-‘soft launch’ nga ba ng relasyon, banat ng netizens: ‘Time is the ultimate truth teller talaga!’

Therese Arceo |March 17,2023
facebook
share this

James Reid, Issa Pressman may pa-‘soft launch’ nga ba ng relasyon, banat ng netizens: ‘Time is the ultimate truth teller talaga!’

Therese Arceo - March 17, 2023 - 06:30 AM

James Reid, Issa Pressman may pa-'soft launch' nga ba ng relasyon, banat ng netizens: 'Time is the ultimate truth teller talaga!'
USAP-USAPAN ngayon ng mga Marites sa social media kung ano nga ba ang istorya sa likod ng sweet photos ni James Reid at Issa Pressman.

Marami kasi ang nakapansin na tila may kakaiba sa mga in-upload na larawan ng dalawa nitong Huwebes ng gabi, March 16 na kuha mula sa nagdaang Harry Styles Love On Tour concert na ginanap sa Bulacan.

Well, sa umpisa ay tila nagba-bonding lang ang dalawa at ine-enjoy ang concert ngunit nabigla ang madlang pipol nang may pa-reveal si Issa kung saan makikita magka-holding hands sila ni James.

Kaya naman curious ang mga netizens kung ito na ba ang “soft launching” ng dalawa patungkol sa kanilang relasyon.

Hindi naman kasi ito ang unang pagkakataong nakita ng madlang pipol na magkasama ang dalawa dahil last month lang rin nang mag-viral ang larawan nina James at Issa habang naglilibot sa isang mall.

Marami naman sa mga netizens ang hindi napigilan ang damdamin lalo na ang mga fans ng tambalang JaDine matapos makita ang post ng dalawa.

“Wala kayong awa Kay Nadine.. pilit kayo sini-save ni Nadine before sa issue nyo ni James.. walang kwentang kaibigan.. Bagay talaga Sayo Yun bansag na [snake emoji]! Bagay nga kayo! Thanks kay god at nakatagpo na si Nadine ng lalakeng much better than James the cheater!” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Here bago mag off comments or mag limit. My marites ass says time is the ultimate truth teller, bea alonzo pasok!! Anyways, nasa tamang tao naman na si nadine.”

Baka Bet Mo: James Reid, Nadine Lustre ‘nag-reunion’ sa fashion event; JaDine fans may panawagan sa GMA at ABS-CBN

“This is [why] i stan nadine more than james. I knew it may ganyan na ugali si james HAHAHA sabagay pag may lahing british at australian di na mawawala pagiging cheater,” sey naman ng isang netizen.

Dagdag pa ng isa, “Shoutout kay yassi be sure ka sa statement mo noon na di papatol sister mo look girl HAHAHAHAHA.”

Matatandaang noong January 2020 ay lumabas ang balita kung saan iniuugnay si Issa bilang sa paghihiwalay nina James at Nadine noon.

May video kasi noon na kumalat kung saan tila hinahalikan at niyayakap ng aktor ang nakababatang kapatid ni Yassi habang nasa tabi lamang nila si Nadine.

January 20, 2020 nang tuluyang kumpirmahin nila Nadine at James sa official joint statement na inilabas nila sa “Tonight With Boy Abunda” na hiwalay na sila.

Matapos ang kumpirmasyon ay naglabas rin ng statement si Issa kung saan dinenay niya ang kanyang involvement sa break-up ng dalawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by James Reid (@james)

“If I stay silent, i’m ‘guilty’. If I stand up for myself, i’m ‘defensive’. The world judges either way. But to end it here & now, everything is 100% FALSE. #ThinkBeforeYouClick,” sey ni Issa.

Pati ang kapatid nitong si Yassi ay nagsalita noon ukol sa isyu at ibinahagi ang larawan nila ni Nadine upang patotohanan na walang involvement ang kapatid niya sa hiwalayan nila ni James.

“Hindi po papatol ang kapatid ko sa mga sinasabi ninyo Pero bilang Ate, hindi ko naman po yata kayang panuorin na patuloy po siyang binabato ng mga masasakit na salita dahil nananahimik siya.

“Initially we all laughed about how crazy the things that woke us up yesterday were, and then…. they started getting out of hand, at di na yun tama..
Ayaw na po sana namin patulan, but we decided to post something because cyber-bullying is not okay, it is never okay.
Be careful with the words you say, and things you THINK are true on social media. They’re not always the truth.cDo not be so quick to point fingers, when you do not have the proper information,” sey ni Yassi.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ni James at Issa hinggil sa isyung ito.

Related Chika:

Nadine Lustre umaming ibang-iba na siya ngayon; matagal nang walang komunikasyon kay James Reid

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huli sa video: James Reid nakipaghalikan kay Issa Pressman?

Resbak ni Yassi sa bashers: Hindi inahas ni Issa si James kay Nadine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending