James, Nadine 'nag-reunion' sa fashion event; JaDine fans may panawagan sa GMA at ABS-CBN | Bandera

James, Nadine ‘nag-reunion’ sa fashion event; JaDine fans may panawagan sa GMA at ABS-CBN

Ervin Santiago |June 13,2022
facebook
share this

James, Nadine ‘nag-reunion’ sa fashion event; JaDine fans may panawagan sa GMA at ABS-CBN

Ervin Santiago - June 13, 2022 - 01:47 PM

James Reid at Nadine Lustre

KAHIT paano’y naibsan na rin ang nararamdamang pagka-miss ng mga loyal fans nina James Reid at Nadine Lustre nang muli nilang makitang magkasama sa dating magdyowa sa isang fashion event.

Sa kauna-unahang pagkakataon, makalipas ang mahaba-habang panahon, nagkita nga uli nang personal ang ex-celebrity couple nitong nagdaang weekend sa ginanap na MEGA Ball 2022.

Nakasama ng dating magka-loveteam ang kanilang mga kaibigan sa nasabing event na dinaluhan ng mga kilalang celebrities mula sa iba’t ibang larangan.

Mabilis na kumalat sa social media ang litrato nina James at Nadine na nakunan ngang magkasama nang  dumating sa nabanggit na fashion party na pinusuan at ni-like ng kanilang mga supporters.

Bukod sa mga pictures nila together, may mga kuha rin ang JaDine sa venue ng Ball with their friends.

At dahil nga rito, nagkomento ang mga netizens na pinatunayan lang nina James at Nadine na sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay nananatili pa rin ang maganda nilang samahan bilang magkaibigan.

Kasunod nito, muling nanawagan ang JaDine fans sa ABS-CBN at movie producers na sana’y bigyan uli ng project ang kanilang mga idolo dahil nga super miss na miss na nila ang mga ito on screen.

May mga netizens pa nga ang nag-suggest na kunin na rin ng GMA 7 ang JaDine para sa isang teleserye dahil siguradong papatok daw ito sa mga manonood dahil nga matagal na silang nabakante sa pag-arte.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)


Sa ngayon ay masaya na si Nadine sa piling ng bago niyang boyfriend, ang French-businessman na si Christophe Bariou habang wala pang ipinakikilalang bagong girlfriend si James hanggang ngayon.

Taong 2020 nang ihayag nina James at Nadine ang kanilang breakup ngunit nanatili silang “business partner” dahil ipinagprodyus pa ng binata ang aktres at singer ng single nito.

Nadine huli sa aktong nakikipag-holding hands sa rumored French boyfriend; JaDine fans nagluluksa

Jake Cuenca, Kylie Verzosa hiwalay na raw, totoo nga kayang dahil sa sobrang selosan?

‘Manananggal’ ni Darryl Yap na para sana sa JaDine mas bumongga dahil kina Marco at Aubrey

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending