Kalat na: Kapatid ni Yassi sinisi sa paghihiwalay nina James at Nadine | Bandera

Kalat na: Kapatid ni Yassi sinisi sa paghihiwalay nina James at Nadine

Jun Nardo |January 22,2020
facebook
share this

Kalat na: Kapatid ni Yassi sinisi sa paghihiwalay nina James at Nadine

Jun Nardo - January 22, 2020 - 12:55 AM

ISSA PRESSMAN

TRENDING kahapon ang hashtag na #Issa.

Nakakagulat ang bigla na lang paglutang ng #Issa bilang isa sa top trending topic sa Twitter. Nang alamin namin kung sino si Issa, siya pala ang Viva star na kapatid ni Yassi Pressman, huh!

Mas nakagugulat ang laman ng tweets sa thread ng nasabing hashtag. Si Issa ang sinasabing dahilan umano ng hiwalayan nina James Reid at Nadine Lustre.

Eh, sa laman ng joint statement nina James at Nadine na inilabas sa Tonight With Boy Abunda last Monday, career at personal growth ang ibinigay nilang mga rason kung bakit sila naghiwalay.

Sa mga tweets ng ilang netizens na nabasa namin, ipinagpalit umano ni James si Nadine kay Issa. Kasabay din ito ng paglabas ng isang short video sa social media kung saan hinalikan ni James si Issa habang nakatalikod si Nads.

Pati ang sexual preference ni Issa eh, kinalkal na rin ng ilang netizens. Ang alam kasi ng marami ay may karelasyong babae ang kapatid ni Yassi kaya ang tanong sa kanya, nagpakababae na raw ba si Issa nang dahil kay James?

Wala pang posts si Issa sa kanyang social media accounts as of this writing. Baka hindi pa siya aware sa kumakalat na tsismis about her and James. Bukas ang pahinang ito para sa paliwanag ni Issa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending