Yassi Pressman nagbabala sa madlang pipol: Try harder to be educated with facts | Bandera

Yassi Pressman nagbabala sa madlang pipol: Try harder to be educated with facts

Therese Arceo |March 18,2023
facebook
share this

Yassi Pressman nagbabala sa madlang pipol: Try harder to be educated with facts

Therese Arceo - March 18, 2023 - 09:58 PM

Yassi Pressman nagbabala sa madlang pipol: Try harder to be educated with facts
USAP-USAPAN ngayon ang cryptic post ng aktres na si Yassi Pressman patungkol sa “fake conspiracies” sa kasagsagan ng isyu ukol sa nakababatang kapatid na si Issa.

Sa kanyang socual media accounts ay tila nagbabala ang aktres ukol sa mga masasamang salitang ibinabato sa kanya at sa kanyang kapatid.

Mainit kasi ngayon ang mata ng netizens sa nakababatang kapatid ni Yassi matapos nitong ibandera ang mga larawan nila ng aktor na si James na kuha sa nagdaang Harry Styles Love On Tour concert.

Marami sa mga netizens lalo na ang mga mga JaDine fans ang nanggalaiti at nanggigil matapos makita ang larawan kung saan magkahawak kamay ang dalawa.

Tila pinatotohanan raw kasi ni Issa ang mga alegasyon noong 2020 na siya ang itinuturong “third party” sa paghihiwalay noon ni James at Nadine, isa sa malalapit na kaibigan ni Yassi.

Agad na nag-resurface online ang mga diumano’y “resibo” pati na rin ang mga past statements kung saan dinenay nila ang involvement ni Issa sa pagtatapos ng halos apat na taong pagsasama ng JaDine.

Unang nag-post si Yassi sa kanyang Instagram story nitong Biyernes, March 17, ng larawan na na may text na “There are always 2 sides to a story”.

Pagkatapos ay muli itong nag-post ngayong Sabado sa kanyang Twitter account na tila sagot niya sa mga isyung kinakaharap ng kapatid.

“Just don’t agree with people making fake conspiracies only to hurt other people.
lets stop being only opinionated,
but try harder to be educated with facts,” saad ni Yassi.

Dagdag pa niya, “[Because] if the words you threw around were tattooed on you, would you walk around proud?”

Baka Bet Mo: Yassi Pressman rumesbak sa mga nagsabing lumobo ang kanyang tiyan at lumapad ang balakang

Ginamitan pa ng aktres ang post ng hashtag na “#thinkbeforeyouclick” na siyang ginamit rin niya sa kanyang inilabas na paglilinaw noong January 22, 2020 sa Instagram.

Dalawang araw pagkatapos maglabas ng joint official statement nina James at Nadine ng kanilang paghihiwalay sa pamamagitan ng programang “Tonight With Boy Abunda” noong January 20, 2020 ay nagsalita si Yassi patungkol sa mga pambabatikos na natatanggap ng kanyang kapatid lalo na’t nananahimik raw ito.

“Ayaw na po sana namin patulan, but we decided to post something because cyber-bullying is not okay, it is never okay.
Be careful with the words you say, and things you THINK are true on social media.

They’re not always the truth. Do not be so quick to point fingers, when you do not have the proper information,” sey ni Yassi kalakip ang larawan nila ni Nadine habang umiinom ng wine.

Maging ang pagdedenay ni Issa noong January 24, 2020 ay lumabas rin kung saan sinabi niyang, “If I stay silent, i’m ‘guilty’. If I stand up for myself, i’m ‘defensive’. The world judges either way. But to end it here & now, everything is 100% FALSE.”

Marami naman sa mga netizens ang nag-reply sa naturang tweet ni Yassi sabay call out dito sa diumano’y pagto-“tolerate” nito sa kapatid.

“Can’t you understand girl code? You even tolerate your sister HAHAHAHAHAHAHA fake conspiracies daw,” reply ng isang netizen.

Sabi ng isa, “Yassi gamitin mo utak mo kahit minsan lang ha. Hindi porket kapatid mo yung issa, eh okay lang kagagahan nya. The facts are 1) james and issa are now together 2) issa was friends with nadine 3) there was a rumor that james cheated with issa in 2020 (pinagtanggol mo pa dba).”

“kapatid mo yan eh, ‘fake conspiracies’ talaga yan,” hirit naman ng isa pang netizen.

Samantala, nilinaw naman ni James Reid sa inilabas niyang statement kagabi na walang katotohanan ang mga isyung ibinabato sa kapatid ni Yassi.

“I’m only gonna say this once. The past rumors about Issa are just that, rumors. I usually NEVER address bashers or get involved in hate culture but I feel the need to speak up now because this is the start of something beautiful. And I’m not gonna let anyone take that from me,” bahagi ng pahayag ni James.

Related Chika:
James Reid, Issa Pressman may pa-‘soft launch’ nga ba ng relasyon, banat ng netizens: ‘Time is the ultimate truth teller talaga!’

Nadine Lustre mas hinangaan ng madlang pipol matapos ang pa-‘soft launch’ nina James at Issa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Yassi Pressman sa pagiging third party daw ni Issa sa JaDine break-up: Hindi kayo papatulan ng kapatid ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending