Yassi Pressman rumesbak sa mga nagsabing lumobo ang kanyang tiyan at lumapad ang balakang | Bandera

Yassi Pressman rumesbak sa mga nagsabing lumobo ang kanyang tiyan at lumapad ang balakang

Ervin Santiago |August 15,2022
facebook
share this

Yassi Pressman rumesbak sa mga nagsabing lumobo ang kanyang tiyan at lumapad ang balakang

Ervin Santiago - August 15, 2022 - 12:19 PM

Jon Semira at Yassi Pressman

KINARIR ng actress-dancer at TV host na si Yassi Pressman ang pagsagot sa isang news item patungkol sa kanyang itsura at katawan.

Talagang gumawa pa ng video ang dalaga para sagutin ang nasabing artikulo at ibandera sa buong universe na wala siyang issue sa kanyang katawan.

Ipinost niya ito sa pamamagitan ng Instagram reel, kalakip ang titulo ng naturang online article na, “Yassi lumobo tiyan; lumapad balakang.”

Mapapanood sa short video ni Yassi ang bahagi ng kanyang workout session kung saan ipinagdiinan nga niyang “comfortable” at wala siyang issue sa “size and shape” ng kanyang katawan.

“I’m comfortable in my skin, I’m cozy with who I am,” ang sabi ni Yassi na kung hindi kami nagkakamali ay mula sa lyrics ng kanta ni Beyonce na “Cozy.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman)


Mensahe pa ng aktres, “Here’s a vid of me in the middle of a workout, when I saw this. with no makeup and my messy hair cause idc gurl, just do you booboo. Don’t let anyone tell you otherwise.”

Panawagan pa ni Yassi sa lahat ng kanyang fans at socmed followers, sa halip na pag-aksayahan ng panahon ang mga balita tungkol sa kanyang timbang, mas okay kung pagtutuunan ng pansin ang mga makabulahang balita.

“How about let’s read the first article that used this photo that talks about the platform that we built to provide more opportunities for the Filipinos,” sey ni Yassi na isa sa mga celebrities na nagpu-push ng body positivity movement sa bansa.

“More than my tummy getting bigger & my hips getting wider. Cause women (and men) can be whatever size they wanna be. But thanks for the compliment,” sabi pa ng aktres.

Noong nakaraang buwan, ibinandera ni Yassi sa pamamagitan ng Instagram ang relasyon nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Jon Semira.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakakuha ng maraming likes, shares at comments ang kissing photo nila ni Jon na kuha habang nasa bangka sila at naglilibot sa Amsterdam.

Yassi Pressman ibinandera ang relasyon kay Jon Semira: So happy with where life has brought us

Kakai Bautista muling nagbilad ng katawan sa socmed: Hindi ako titigil, uumayin ko kayo!

Cristy Fermin sa diumano’y pagbubuntis ni Julia Montes: Aminin kung totoo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending