Yassi sa pagiging third party daw ni Issa sa JaDine break-up: Hindi kayo papatulan ng kapatid ko! Bandera

Yassi sa pagiging third party daw ni Issa sa JaDine break-up: Hindi kayo papatulan ng kapatid ko!

Ervin Santiago |January 22,2020
share this

Yassi sa pagiging third party daw ni Issa sa JaDine break-up: Hindi kayo papatulan ng kapatid ko!

Ervin Santiago January 22, 2020 - 02:48 PM

HINDI papatol ang kapatid ko sa mga pinagsasasabi n’yo!”

‘Yan ang matapang na pagtatanggol ni Yassi Pressman sa kanyang kapatid na Issa na pinagbibintangang dahilan sa break-up nina Nadine Lustre at James Reid.

Sa kanyang Instagram account, sinabi ng leading lady ni Coco sa seryeng Ang Probinsyano, na walang balak sagutin ni Issa ang mga akusasyon sa kanya.

“Pero bilang Ate, hindi ko naman po yata kayang panuorin na patuloy po siyang binabato ng mga masasakit na salita dahil nananahimik siya,” saad pa ng Kapamilya actress.

Ipinost din ni Yassi sa IG ang litrato nila ni Nadine na may caption na, “This was me and nadz last night, watching how some of us become cruel over untrue statements. [smiley emoji].

“Initially we all laughed about how crazy the things that woke us up yesterday were, and then….they started getting out of hand, at di na yun tama.

“Ayaw na po sana namin patulan, but we decided to post something because cyber-bullying is not okay, it is never okay. Be careful with the words you say, and things you THINK are true on social media.

“They’re not always the truth. Do not be so quick to point fingers, when you do not have the proper information. #thinkbeforeyouclick,” pahayag pa ng dalaga.

Siniguro rin niya na maayos ang relasyon nila ni Issa kay Nadine, “We’re all okay. Sana po kayo din. Let’s respect everyone. [smiley, heart emojis].”

Ito naman ang mensahe ni Yassi para kay Nadine patungkol sa mga bashers, “If you can tattoo on your body ALL the words you say online, would you be proud?”

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending