Kilalang aktres hindi pa rin maka-move on sa ex-dyowang aktor; palihim na natutulog sa dati nilang bahay | Bandera

Kilalang aktres hindi pa rin maka-move on sa ex-dyowang aktor; palihim na natutulog sa dati nilang bahay

Reggee Bonoan |June 28,2022
facebook
share this

Kilalang aktres hindi pa rin maka-move on sa ex-dyowang aktor; palihim na natutulog sa dati nilang bahay

Reggee Bonoan - June 28, 2022 - 09:25 AM

Mahulaan n’yo kaya kung sino sila? Guess, guess na!

HINDI pa rin pala nakaka-move on hanggang ngayon ang isang kilalang aktres na nahiwalay sa kanyang actor-boyfriend.

Nalaman namin na parati pa rin niyang tine-text at kinukumusta ang ex niyang male celebrity at nagsasabing nami-miss niya ito.

Palibhasa’y gentleman at mabait talaga ang aktor ay sinasagot naman niya nang maayos ang ex-girlfriend pero sinasabihan niya ito in a nice way na kailangan na nilang putulin ang kanilang komunikasyon para makapag-move on na sila na sinang-ayunan naman ng dalaga.

Payo pa ng actor, since maraming projects ang dalaga ay doon na lang muna mag-focus at gayun din siya.

Actually, parehong busy sa work ang ex-couple dahil kaliwa’t kanan ang taping at shooting nila na pawang mga lock-in.

Ang hindi alam ng aktor ay nagpupunta pala ang ex-girlfriend sa bahay niya at minsan ay nagpapalipas ng isang gabi o kaya nang ilang oras.

Hindi pa kasi isinasauli ni aktres ang susi ng bahay ng dating karelasyon kaya labas-pasok pa rin siya at pati nga gamit nito ay hindi pa niya lahat nahahakot.

Palibhasa, laging nasa lock-in shoot si aktor kaya hindi niya alam na nagpupunta sa bahay niya ang dating dyowa.

Kaso nabuking din ito ni aktor nang umuwi na siya galing lock-in shoot dahil nabanggit ito ng guard on duty na nakikita niya ang aktres kaya dali-dali nitong tsinek ang log book at totoo nga, maraming beses na palang nagpupunta roon ang dalaga.

Hindi na sinita ni aktor ang ex-dyowa para wala ng isyu at hindi na sila magkaroon pa ng komunikasyon kaya ang ginawa na lang nito ay hinakot ang ilang mahahalagang gamit at lumipat ng ibang tirahan. Mabuti na lang at may nakuha kaagad siya.

May isang buwan nang wala si aktor sa dati niyang bahay at wala na rin ang ibang gamit kaya siguro napansin ito ni aktres kaya nag-text siya na nami-miss niya ang dating karelasyon.

At nabanggit na nga nitong wala na siya sa dating bahay dahil kinuha na ito ng may-ari kaya si aktres ay napilitang maghakot na at iniwan ang susi sa guard.

Sa kasalukuyan ay nakabalik na ulit sa lock-in shoot ang aktor kaya hindi pa niya na-check kung totally wala ng gamit ang ex-girlfriend at drama lang pala niyang kinuha na ito ng may-ari para nga umalis na ang aktres.

“Hindi kasi niya kayang sabihing umalis ka na at dalhin na lahat ang mga gamit, alam mo naman si ____ (aktor), sobrang mabait kaya ‘yan hinahabol ng exes niya kasi super bait talaga at generous,” kuwento pa ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kilalang aktres, asawang negosyante ‘open relationship’ ang status, pwede silang tumikim ng ibang ‘putahe’

Kilalang aktres nabuntis, nanganak noong kasagsagan ng pandemya: Na-shock kami kung sino ang tatay!

James todo emote, may hugot nga ba sa ‘Para Sa Mga Ex’?

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending