Julia Barretto na-bad trip, nag-walkout nang tanungin sa 'besohan' nina Gerald at Maja? | Bandera

Julia Barretto na-bad trip, nag-walkout nang tanungin sa ‘besohan’ nina Gerald at Maja?

Therese Arceo |September 12,2023
facebook
share this

Julia Barretto na-bad trip, nag-walkout nang tanungin sa ‘besohan’ nina Gerald at Maja?

Therese Arceo - September 12, 2023 - 06:46 PM

Julia Barretto na-bad trip, nag-walkout nang tanungin sa 'besohan' nina Gerald at Maja?

USAP-USAPAN ngayon ang aktres na si Julia Barretto matapos ang diumano’y pagwo-walk out nito matapos tanungin ukol sa naging besohan ng kanyang boyfriend na si Gerald Anderson sa ex-dyowa nitong si Maja Salvador na kasal na kay Rambo Nuñez.

Sa katunayan, isa ito sa mga naging topic ng kolumnistang si Cristy Fermin kasama ang kanyang co-host na si Romel Chika sa “Cristy Ferminute”.

“Wala nga siya sa mood ano, nung gabing iyon sa Preview ano? Halatang halata eh,” saad ng kolumnista na tumutukoy kay Julia.

Tuloy pa niya, “Kasi kita mo, tinatanong siya ng mga reporters [ng] ‘Pwedeng pa-interview?’ Nag-grant naman siya ng interview pero ‘yung tanong na ‘Totoo ba na secretly married na kayo ni Gerald?’ Alam mo ‘yung mga sagot na pwede namang sa mas magandang paraan pero medyo may tulis, may tusok katulad ‘yung ‘Kailan kayo magpapakasal?’ [Sagot niya] ‘Why are you rushing us?'”

Sinabi rin daw ni Julia sa mga reporters na kung sakaling totoo na nagpakasal na sila secretly ni Gerald ay io-open naman niya ito sa publiko at hindi ito ipagkakaila.

Bukod rito ay napag-usapan rin nila ang pagkikita nina Gerald at Maja maging ang besohan ng dalawa na agad nag-viral sa social media.

Baka Bet Mo: Julia Barretto hindi kayang maging BFF ang ex-dyowa: ‘Respeto na lang sa current partner mo’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Wala siya [Julia] sa mood noong gabi na ‘yun. Hindi kagandahan ang kanyang [mood]. At nang tanungin na siya tungkol sa pagkikita nila ni Maja at Gerald, doon na siya nawala sa wisyo. Nag-walk out na siya.

“‘Madame, it is not the issue tonight’. ‘Di ba may mga madame madame pa siya… Nakakaloka talaga. Ibang klase,” sey ni Cristy.

Dagdag pa niya sa naging kilos ni Julia, “Kapag wala sa mood ang artista, tumabi tabi ka na at medyo ang maririnig mo talaga ay ang mga bagay na ayaw mong marinig.”

At dahil nga raw sa naging sagot at kilos ng dalaga ay marami na naman sa mga netizens ang nagsabing baka hindi pa ito nakaka-move on.

“Papano kung si Bea Alonzo, sila ni Gerald ang magkita at mag-kiss si Gerald kay ano, kay Bea. Ano? Hindi lang magwa-walk out itong si Julia, tatakbo ito palayo, o diba? Oo, lalo siyang mabu-bwisit dahil yun ang sinundan niya eh,” sabi pa ni Cristy.

Sinabi rin ng kolumnista na nagpapakatotoo lang ang dalaga ngunit hindi nga lang lahat ng netizens ay maiintindihan ang ugali niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Alam mo kasi, si Julia, kung ano ang gusto niyang ipakitang emosyon. Malditiks ito eh,” hirit pa ni Cristy.

Related Chika:
Gerald Anderson aminadong ‘magaan’ karelasyon si Julia Barretto: Hindi mo maramdamang na komplikasyon siya!

Julia Barretto napalaban sa matinding halikan kay Diego Loyzaga, mga dating magdyowa siguradong relate-much sa ‘Will You Be My Ex?’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending