Maja tinanggihang makatambal si Gerald sa 'Init Sa Magdamag', respeto lang daw kay Rambo Bandera

Maja tinanggihang makatambal si Gerald sa ‘Init Sa Magdamag’, respeto lang daw kay Rambo

Reggee Bonoan |May 04,2021
share this

Maja tinanggihang makatambal si Gerald sa ‘Init Sa Magdamag’, respeto lang daw kay Rambo

Reggee Bonoan | May 04,2021 - 03:57 PM

NAGBALIK-TANAW si Maja Salvador noong panahong naging sila ni Gerald Anderson — hindi raw siya sinuwerte sa relasyon nila ng aktor na ex-boyfriend naman ng bestfriend niyang si Kim Chiu.

Tandang-tanda namin nang maghiwalay noon sina Gerald at Kim pero hindi naman dahil kay Maja, may iba pa kaming alam na rason.

Ang hindi lang naging maganda sa paningin ng lahat ay alam ni Maja lahat ng sikreto at sama ng loob ng kaibigan niyang si Kim tungkol kay Gerald, pero pinatulan pa rin niya ang binata.

Kaya simula pa lang ng relasyon nina Gerald at Maja ay marami na ang nagsabing, “hindi ‘yan magtatagal” bukod pa sa sinabing inahas ng aktres ang kaibigan niya na sa pagkakaalam namin ay hindi naman totoo.

Umabot naman ng dalawang taon ang relasyon ng dalawa, ‘yun nga lang, nawalan ng career si Maja noong sila pa ni Gerald.

Base sa IG post ng @kowalerts ay ni-report nito ang umano’y naging pahayag ni Maja tungkol sa kanila ni Gerald, “LOOK: #MajaSalvador explains the damage the relationship did to her image and her career because of her relationship with #GeraldAnderson that time.

“Dapat hindi namin pinilit. Oo, na-in love kami sa isa’t isa. Pero siguro ‘yung mahirap na sa umpisa pero parang andiyan na eh! Alam mo ‘yung ganon?
“Pero alam mong nag-struggle kaming dalawa, individually. Kasi ako gapang talaga from the start. Kasi siya, dumadami pa ‘yung commercials niya. Ako talaga as in gapang ako, wala ako. Nawalan ako ng mga endorsement,” sabi pa raw ni Maja.

Pero nu’ng naghiwalay ang dalawa ay unti-unting nakabangon ang aktres at nagdatingan ang mga offer sa kanya hanggang sa bumalik na rin dating pagkakaibigan nila ni Kim.

Inakala lang ng iba na hindi sila okay dahil magkaiba na sila ng TV network ngayon, nasa TV5 na si Maja para sa TV series na “Niña Niño” at si Kim naman ay kasama sa “It’s Showtime.”
Pero kung tinanggap sana ni Maja ang teleseryeng “Init sa Magdamag” ay mananatiling Kapamilya siya.  Tinanggihan daw ni Maja ang serye bilang respeto na rin sa boyfriend niyang si Rambo Nunez.

Sa panayam kay Maja ni G3 San Diego sa Mega Magazine sinabi nitong, “Bago pa nga lang ‘yung relationship namin, tinodo ko na, eh. As in, kasi ‘di ba, grabe ako sa pagpapahalaga ko sa work?
“So walang makakapigil sa akin if mag-kissing scene ako, love scene, ganyan, kahit ‘di comfortable ‘yung ka-relationship ko. I do it because it’s my work.

“And then, noong nagkabalikan kami ni Rambo, meron akong moment na, ‘Gusto ko mag-work ‘to.’ Baka kaya hindi nagwo-work kasi wala akong pakialam. Kasi sarili ko lang iniintindi ko, parang hindi ko pinapahalagahan ‘yung nararamdaman ng partner ko.

“So iyon ‘yung nag-start na kinausap ko ‘yung mga bossing (ng ABS-CBN). ‘I want this relationship to work. Sorry po,” pagtatapat ni Maja.

Si Yam Concepcion ang napili nu’ng hindi ito tinanggap ni Maja at napangatawanan naman ng una ang karakter niya ngayon bilang congresswoman at asawa ni JM de Guzman na umeere ngayon sa A2Z at Kapamilya online.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending