Rambo Nuñez nag-propose kay Maja habang nagaganap ang ‘Easter egg hunt’ ng pamilya; PBA bumati sa engaged couple
ANG saya-saya pala ng Easter engagement nina Maja Salvador at Rambo Nuñez na naganap sa Palawan at dinaluhan ng kani-kanilang pamilya.
Nag-share ang actress-TV host sa publiko ng mga naging eksena sa marriage proposal ng kanyang longtime partner last noong Linggo ng Pagkabuhay.
Sa pamamagitan ng bago niyang vlog sa YouTube, ibinahagi ni Maja ang tinawag niyang “new beginning” sa next level ng makulay na love story nila ni Rambo.
“Ito na ang aking Easter engagement in Palawan kasama ang aming mga pamilya na kumpletong magkakasama for the first time,” ang inilagay na caption ng “Eat Bulaga” Dabarkads sa kanyang vlog.
Mapapanood nga sa nasabing video kung paano ginulat at sinorpresa ni Rambo si Maja nang lumuhod siya sabay labas ng hawak na engagement ring.
Ito’y habang nagaganap ang Easter egg hunt na sinet-up ng kanyang pamilya na mala-“The Amazing Race” ang gimik. Palakpakan naman ang lahat ng nakapalibot sa magdyowa nang mag-propose na si Rambo.
Kitang-kita ang pagka-shock ng aktres hanggang sa tuluyan na ngang mapaiyak bago sumagot ng “Yes” sabay yakap sa kanyang future husband.
View this post on Instagram
Samantala, kamakailan ay nagpadala ng mensahe ng pagbati ang Puwersa ng Bayaning Atleta or PBA para sa kanilang partylist representative na si Rambo at sa fiancée nga niton si Maja.
“The PBA Partylist would like to congratulate our very own Rambo Nuñez and the beautiful Maja Salvador on their engagement.
“We celebrate the excitement of this joyous occasion with the couple, their families and friends.
“In all their years together, Rambo and Maja have consistently proven their love and dedication to the Filipino people—whether it’d be through entertainment (showbiz) or public service.
“With Rambo’s nomination to the PBA Partylist and now the formality of an engagement, we congratulate the couple for truly winning in love and in life.
“Additionally, given the couple’s tightly packed schedules, their uncompromising efforts in championing our youth-driven causes are admirable.
“Maja has been incredibly supportive of Rambo’s endeavors and has been doing her own voluntary efforts in terms of championing the PBA’s advocacy.
“We wish Rambo and Maja a life full of love and success as they embark on this momentous chapter.”
Ang PBA ay isang partylist organization sa kongreso o House of Representatives. Ang kanilang adhikain ay ang suportahan ang mga kabataan na may talento sa sports or culture ngunit dahil sa hirap ng buhay ay hindi kayang ipagpatuloy ang paghahasa ng kanilang galing o talento.
Layunin ng grupo ang pag-aalaga sa mga kabataang may pag-asang maaaring maipagmalaki ng bansa balang araw sa larangan ng laro at sining tulad ni Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz.
Related Chika:
Maja sa pagpapakasal kay Rambo: Napag-uusapan pero si God pa rin ang bahala, sa tamang panahon…
Rambo Nuñez nag-propose na kay Maja Salvador: The best part is yet to come my love…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.