Dominic Roque may pa-bible verse ukol sa suffering, perseverance
USAP-USAPAN ngayon sa mundo ng social media ang ibinahaging bible verse ng model-actor na si Dominic Roque.
Sa kanyang Instagram story kasi ay nagbahagi ang model-actor ng isang makabuluhang verse mula sa bibliya na Romans 5: 3-4 sa kabila ng kinasasakutang chika na hiwalay na sila ng fiancèe na si Bea Alonzo.
“We also glory in our sufferings, because we know that suffering produces perseverance; perseverance, character; and character, hope,” ayon sa naturang verse na ibinahagi ni Dominic.
May makikita ring istorya bukod sa bible verse na tumatalakay ukol sa “suffering” at “perseverance”.
“Jesus, may I find hope and joy in You as You provide what I need to persevere in this life,” kalakip na dasal sa post ni Dominic.
Kasalukuyang usap-usapan ngayon ang dalawa matapos ibalita ng talent manager na si Ogie Diaz na hiwalay na sila ng Kapuso actress na si Bea Alonzo.
Baka Bet Mo: Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na ayon kay Boy Abunda
View this post on Instagram
Ang nakalulungkot na balita ay kinumpirma na rin ngayong araw ng King of Talk na si Boy Abunda, isa sa malapit na kaibigan ni Bea at Dominic.
Sa kanyang talk show na “Fast Talk with Boy Abunda” ay ibinunyag nitong tama ang naunang report ni Ogie Diaz ukol sa relasyon ng dalawa.
“As we talked today, yes, hiwalay na po si Dominic at si Bea,” diretsahang saad ni Tito Boy.
Ayon rin daw sa kanyang source ay kamakailan lang nang mag-usap muli sina Dom at Bea.
“They’re trying to understand each other but they are going through a rough patch… My prayer is that may God grant them what is best for them,” pagbabahagi ni Tito Boy.
Pagpapatuloy niya, “Yes, I am confirming that hiwalay na sila ngayon at last night or two nights ago, nag-usap ang dalawa [Bea at Dominic]. Ano ang status? Wala. I think kung tama ang aking source, isinauli na ni Bea ang engagement ring.”
Samantala, wala pa rin namang opisyal na pahayag mula sa kampo nina Dom at Bea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.