RM ni Bea may hugot sa ‘manipulative sad boi’, para ba kay Dominic?
PALAISIPAN sa madlang pipol ang naging cryptic post ng road manager ni Bea Alonzo na si Nina Ferrer patungkol sa isang “manipulative sad boi”.
Sa kanyang Threads account, ibinahagi ni Nina ang isang screenshot ng ibig sabihin ng manipulative sad boi.
Ayon sa post ng RM ni Bea, ang ibig sabihin ng manipulative sad boi ay “Any guy who’ll try to convince someone that they’re the victim of the situation. They’ll make you believe that you’re in the wrong and that you’re the one who should be feeling guilty. Toying with your mind, they’re seriously just bad news.”
Makikita namang ni-repost ito ng make-up artist ng aktres na si Ting Duque.
Sey naman ng make-up artist ni Bea, “They should be stopped.”
Walang sinabing pangalan ang dalawa ngunit maraming netizens ang iniuugnay si Dominic Roque sa naturang post ng dalawa.
Baka Bet Mo: Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na sey ng source ni Ogie Diaz
Post by @ninagferrer View on Threads
Aware naman ang lahat na si Dominic ang fiancè ni Bea na sa kasalukuyan ay iniisyung hiwalay na.
Usap-usapan na kasi ngayon kung tuloy pa ba ang kasal ng dalawa dahil na rin sa ibinalita ng talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang vlog na hiwalay na sila ayon sa trusted source ng talent manager.
Makikita namang naka-follow pa rin sa isa’t isa sina Bea at Dominic sa kabila ng isyu ng hiwalay na sila.
Ang huling post nilang magkasama ay ang travel nila noong nagpunta sila sa Japan.
Samantala, wala pa namang pahayag sina Bea at Dominic hinggil sa isyung hiwalayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.