Xian Gaza tutol sa pag-iibigan nina Bea at Dom

Xian Gaza tutol sa pag-iibigan nina Bea at Dom: Ang nakikita ko ay mag-ate

Pauline del Rosario |February 05,2024
facebook
share this

Xian Gaza tutol sa pag-iibigan nina Bea at Dom: Ang nakikita ko ay mag-ate

Pauline del Rosario - February 05, 2024 - 11:58 AM

Xian Gaza tutol sa pag-iibigan nina Bea at Dom: Ang nakikita ko ay mag-ate

Xian Gaza, Bea Alonzo and Dominic Roque

SA gitna ng mga chikang hiwalay na sina Bea Alonzo at Dominic Roque, nagpahayag ng personal na opinyon ang self-proclaimed pambansang Marites na si Xian Gaza.

Sa isang Facebook post, inamin ni Xian na tutol siyang magkatuluyan ang dalawa.

Ang kanyang rason, wala siyang nararamdamang kilig o chemistry sa tuwing nakikita niya ang mga litrato nina Bea at Dom.

“Wala akong makitang Chemistry kay Bea at Dom. Kahit Biology, Physics at Algebra pa yan, wala talaga eh. Hindi tao, hindi hayop, hindi bagay,” sey niya sa post.

Ang paliwanag niya, “Tuwing pinagmamasdan ko ang kanilang mga litrato, ang nakikita ko ay mag-ate. Wala akong madamang kilig at all.”

“Kung gaganap sila sa isang pelikula as siblings, aakalain mo na magkapatid talaga sila. Yung itsura ni Dom ay parang bunso na nanghihingi ng pera sa panganay,” wika pa niya sa post.

Baka Bet Mo: Bea hinding-hindi makakalimutan ang ginawa ni Dominic sa matandang babaeng nakasabay nila sa tren sa Europe

Pag-amin din niya, “Hindi pa natin kompirmd kung talaga bang hiwalay na sila pero yan ay kasama sa aking mga panalangin.”

Magugunita na ibinunyag ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz na hiwalay na sina Bea at Dom, ayon sa kanyang source.

Nagsimula kasing umingay ang isyung break na ang dalawa nang mapansin ng netizens na hindi na suot ni Bea ang kanyang engagement ring sa ilang okasyon na dinaluhan.

Kabilang sa mga naging ispekulasyon ay ang issue about prenuptial agreement.

Bukod sa personal opinion, binanatan din ni Xian ang mga taong hindi makapaghintay na ikasal na si Bea.

“Sa mga Marites na nagsasabi na matanda na si Bea Alonzo kaya kailangan na niyang maikasal dahil mapagsasaraduhan na siya at 36 years old, gusto ko lang ipaalala sa inyo na maraming pera si Bea,” hirit ng self-proclaimed pambansang Marites.

Lahad niya, “Hindi siya kagaya niyo na dukha maralita hampaslupa kaya kailangang maikasal agad bago mapaglipasan ng panahon.”

“Kahit 55 years old na si Bea ay maikakasal pa rin siya dahil siya ay isang bilyonarya. Huwag niyo siyang ihalintulad sa mga kagaya niyong poorita,” aniya pa.

Kung matatandaan, noong July 20 ng nakaraang taon nang ibinandera ni Bea sa social media ang naging wedding proposal sa kanya ni Dom habang siya ay nasa taping sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Quezon City.

Taong 2021 naman nang kumpirmahin ng couple ang kanilang tunay na relasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending