Dalawang character actress mas maikli ang exposure sa big project dahil sa pagiging demanding?
NAGULAT kami sa kuwento ng ilang artistang kasama sa malaking proyekto tungkol sa dalawang character actress na dapat sana ay mahaba ang role pero dahil demanding at hindi marunong makisama ay umabot lang sa dalawa o tatlong linggo ang exposure.
Pareho naming gusto ang dalawang character actress dahil mahusay naman talagang umarte kaya naman nang i-alok sila ng kanilang manager na mapasama sa malaking proyekto ay kaagad um-oo ang producer kasama na rin ang direktor.
Pero laking gulat ng mga veteran actors sa dalawang character actress dahil hindi sila marunong gumalang at hindi nakikisama sa lahat.
Ang kuwento sa amin ng ilang artista, “since mas bata sila sa amin kaya niyaya namin silang magkuwentuhan para magkakakilalanlan, kasi hindi pa namin sila naka-work, so, bonding ba. E, hindi pala nila type ‘yung ganu’n, feeling nila sayang oras nila, mas gusto nilang magkulong sa kuwarto nila na silang dalawa lang. E, di hinayaan na namin kasi baka nga naiilang sa amin kasi malaki na agwat ng edad namin sa kanila.”
Hanggang sa nahinto ang shooting ng malaking proyekto kasi may nagkasakit na na-ospital pa. sa madaling salita ay na-tengga ang shoot na ipinagmamaktol daw nang dalawang character actress kasi sayang daw ang araw at oras.
Lock-in shoot kasi ito at pag hindi ka nakunan ay automatic na walang bayad kahit pa nasa location kayo.
Nag-demand daw ang dalawang character actress ng bayad kasi nga nahinto ang shoot at wala raw iyon sa usapan. Nairita ang producer ng malaking proyekto at sinabing walang bayad nga kasi emergency naman na may nagkasakit.
Hindi pa rin matanggap ng dalawang character actress ang paliwanag sa kanila ng staff ng production kaya nang mag-resume sila ay bad mood na sila all through-out the shoot at pansin na pansin iyon sa camera.
Nakiusap daw ang staff ng production na maging okay na para dire-diretso na pero hindi nangyari kaya hinayaan na lang ng direktor at kaya kung mapapansin daw ang mga eksena ng dalawang character actress ay hindi na sila masyadong pino-focus o kaya likod at gilid ang kinukunan para hindi mapansing wala na sila sa mood.
Hanggang sa nalaman na lang nang dalawang aktres na umunti na ang mga eksena nila at tsugi na sila. Ipinaliwanag daw ng taga-produksyon ang desisyon ng direktor at wala silang nagawa.
“Kaya galit sila sa direktor kasi nga iniksian ang mga eksena nila, pinatay agad sila.
After ng shoot, pinag-overnight pa sila para makapagpahinga kinabukasan na sila pinauwi with service,” sabi pa ng isang kausap naming artista.
Hindi na rin daw nagpaalam ang dalawang character actress sa lahat at direto na silang sumakay sa service nila pauwi.
Hiyang-hiya raw ang manager nang dalawangcharacter actress dahil nga ipinakiusap lang sila para magkaroon naman ng trabaho pero ganu’n pa ang nangyari.
At dahil sa mga nalaman naming ugali ng dalawang character actress ay hindi na kami nagtaka kung bakit wala silang projects kahit ang gagaling nilang umarte, nagmarka na sila sa mga taga-production
Nanghihinayang talaga kami da dalaw, sa production pa naman kapag may ginawa ang artista o mga talent ay pinagtsi-tsismisan iyon at iniiwasang maka-work na para hindi sakit ng ulo.
Iba Pang Blind Items:
Veteran actress may sikreto kung bakit madalas may proyekto sa TV network
So-so actress at dyowang may konek din sa showbiz nag-away dahil sa matinding selos
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.