Dominic, Richard nag-boy's day out kasama ang celebrity friends

Dominic, Richard nag-boy’s day out kasama ang celebrity friends

Pauline del Rosario |February 18,2024
facebook
share this

Dominic, Richard nag-boy’s day out kasama ang celebrity friends

Pauline del Rosario - February 18, 2024 - 10:30 AM

Dominic, Richard nag-boy's day out kasama ang celebrity friends

Dominic Roque, Richard Gutierrez

SA gitna ng mga usaping hiwalayan, spotted na nagkaroon ng boy’s day out sina Dominic Roque at Richard Gutierrez kasama ang ilang celebrity friends.

Kabilang sa mga naka-bonding nila ay sina Dingdong Dantes, Kim Atienza, at marami pang iba.

Sa Instagram, ibinandera ni Dominic ang ilang groupie pictures habang ipinagdiriwang ang birthday ng kanilang kaibigan.

Baka Bet Mo: Kathryn, Daniel spotted na magkasama sa isang event, pambabasag nga ba sa mga nagpapakalat ng chikang hiwalay na sila?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dominic Roque (@dominicroque)

Magugunitang naging sentro ng mga balita ang dalawang aktor dahil sa confirmed breakup nina Dom at Bea Alonzo, at ang chikang separation ng mag-asawang Richard at Sarah Lahbati.

Noong Valentine’s Day, spotted na naging “third wheel” si Sarah sa date ng couple na sina Nadine Lustre at Christophe Bariou.

Habang si Bea naman ay kasama ang pamilya sa Singapore at sinorpresa pa ng kanyang staff sa bahay. 

Noong February 11 nang kinumpirma mismo nina Bea at Dom ang paghihiwalay nila sa pamamagitan ng isang joint statement na ibinandera sa social media.

“After much thought, consideration, and care, we have mutually decided to amicably end our engagement. It was not an easy decision,” wika ng dating engaged couple. 

Dagdag pa, “Unfortunately some even confirmed our breakup without our consent, created ridiculous stories that had no basis and were utterly false.”

Pakiusap din nila, “We sincerely request for everyone to kindly spare us from more cruel and very hurtful words thrown on social media. We kindly request to give us the privacy we need as we navigate our future lives with respect, kindness, compassion, and dignity.”

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa kinukumpirma nina Sarah at Richard ang usap-usapang hiwalay na umano sila.

 Pero nauna nang naibalita ng kanilang mga ina na hindi na sila nagsasama sa iisang bubong at may maayos na co-parenting setup sa kanilang dalawang anak.

Sa isang interview recently, sinabi ni Sarah na “okay” naman ang relasyon nila ngayon ng asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung maaalala, December last year nang nagsimulang umugong ang balitang paghihiwalay ng dalawa matapos mapansin ng netizens na hindi na sila nagpo-post ng mga larawan na magkasama.

Naging kontrobersyal din ang naging patama ng mother-in-law ng aktres na si Annabelle Rama na kung saan nagbitiw ito ng pahayag patungkol sa kanyang anak na si Richard na trabaho ng trabaho, habang ang isa raw ay malakas gumastos.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending