Bea Alonzo naiyak sa Valentine surprise ng mga kasama sa bahay

Bea Alonzo naiyak sa Valentine surprise ng mga kasama sa bahay

Therese Arceo |February 16,2024
facebook
share this

Bea Alonzo naiyak sa Valentine surprise ng mga kasama sa bahay

Therese Arceo - February 16, 2024 - 10:57 PM

Bea Alonzo naiyak sa Valentine surprise ng mga kasama sa bahay
HINDI napigilan ng Kapuso actress na si Bea Alonzo ang maiyak nang surpresahin siya ng kanyang mga kasama sa bahay nitong Valentine’s Day.

Kahit na single ang aktres ngayong Araw ng mga Puso dahil hiwalay na sila ng dating fiancè na si Dominic Roque, ramdam pa rin niya na marami ang nagmamahal sa kanya.

Ang kanyang personal assistant na si Bea Rose ang nagbandera ng kanilang ginawang surpresa para sa dalaga kasama ang iba pang mga staff ng Kapuso actress.

Base sa video, pinuntahan nila si Bea sa kanyang kwarto para dalhan ito ng heart-shaped cake, balloons, at kape.

Makikitang halos kagigising lang ng aktres at nakasuot pa ng kanyang pantulog nang puntahan ng mga kasambahay.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na ayon kay Boy Abunda

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sa sobrang kasiyahan ay hindi na nakapagpigil si Bea at napaiyak na sa touching gesture na ginawa sa kanya ng kanyang mga staff.

Sobrang thankful rin ang aktres sa pakulo ng mga kasama sa bahay.

“We Love You always TISAY [heart emojis] Happy Valentine’s,” caption ni Bea Rose sa kanyang post.

We Love You always TISAY [heart emojis] Happy Valentine’s.”

“Ate Rose @bearose_1719 thank you so much for doing this to Bea salamat sa inyong LAHAT. Please iyakap niyo po kami sa kanya ng mahigpit. We love her so much. Nandito lang kami nagmamahal sa kanya no matter what. Sending our tight hugs to you BEA. WE LOVE YOU OUR HAPPYPILL. ALWAYS AND FOREVER,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Ang cute naman ng mga bigay. Alam mong pinageffortan. Pati yung flowers, sa garden din nya hehe pero sweet. Maganda rin yung video, hindi masyadong exposed ang bahay at ang bare face ni madam.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“This means a lot to Bea. No matter what happens there are people who cares for her,” sey naman ng isa.

Matatandaang ilang araw bago ang Valentine’s Day kinumpirma ng aktres na hiwalay na sila ni Dom.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending