LOOK: Mga artistang nag-celebrate ng Valentine's together

LOOK: Mga artistang nag-celebrate ng Valentine’s together

Therese Arceo |February 16,2024
facebook
share this

LOOK: Mga artistang nag-celebrate ng Valentine’s together

Therese Arceo - February 16, 2024 - 11:44 AM

LOOK: Mga artistang nag-celebrate ng Valentine's together

RAMDAM na ramdam talaga ang simoy ng pag-ibig sa nagdaang Valentine’s Day dahil sa mga celebrity couples na hindi pumalyang pakiligin tayo sa kung paano nila ipinagdiwang ang Araw ng mga Puso.

Mapa-simple man o magarbong surpresa, talaga namang naibandera ng mga magsing-irog ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.

Marian Rivera at Dingdong Dantes

LOOK: Mga artistang nag-celebrate ng Valentine's together

Bonding with the kids naman ang ganap ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes ngayong Valentine’s Day.

Kasa-kasama ng dalawa sina Zia atvSixto sa kanilang adventure kung saan nag-enjoy sila sa iba’t ibang physical activities na offer ng Batangas Lakelands.

Vice Ganda at Ion Perez

LOOK: Mga artistang nag-celebrate ng Valentine's together

Love wins talaga dahil sa kabila ng mga negatibong komento na ibinabato sa kanila ng ibang tao, nananatiling matibay pa rin ang pagnamahal nila sa isa’t isa.

“Our love is not just a story. It’s a statement. I love you Noi! Happy Valentines Day!” mensahe ni Vice kay Ion.

Cristine Reyes at Marco Gumabao

Hindi napigilan ng aktres na si Cristine Reyes ang maiyak matapos siyang surpresahin ng mga bulaklak ng kanyang dyowang si Marco Gumabao.

“Lovey,” tanging nasabi ng aktres habang tinatanggap ang bulaklak.

LOOK: Mga artistang nag-celebrate ng Valentine's together

Maris Racal at Rico Blanco

LOOK: Mga artistang nag-celebrate ng Valentine's together

Sa kabila ng pagiging busy ni Maris Racal sa trabaho nitong Valentine’s ay hindi nakalimutan ng kanyang boyfriend na si Rico Blanco ang isurpresa siya ng bouquet of roses.

“Yung mga sandaling pinakamasaya ang puso mo, pinakabuo naman ang akin. Happy valentines day mahal,” ayon sa IG posr ni Rico.

Julie Anne San Jose at Rayver Cruz

LOOK: Mga artistang nag-celebrate ng Valentine's together

Hindi naman papahuli sa pagpapakilig ang magdyowang Julie Anne San Jose at Rayver Cruz matapos nilang haranahin ang isa’t isa pati na rin ang madlang pipol sa kanilang version ng “Now and Forever” ni Richard Marx.

Alexa Ilacad at KD Estrada

LOOK: Mga artistang nag-celebrate ng Valentine's together

From Shibuya with love naman ang atake nina Alexa Ilacad at KD Estrada.

“This trip to Japan was one of the best experiences of my life and it’s all thanks to you. wherevr you wanna go next i’ll be there, because anywhere with you will always feel like home,” sweet na mensahe ni KD kay Alexa.

Baka Bet Mo: ALAMIN: Bakit nga ba bulaklak ang ibinibigay tuwing Valentine’s Day?

Barbie Forteza at Jak Roberto

LOOK: Mga artistang nag-celebrate ng Valentine's together

Parang first date pa rin ang pakiramdam ni Barbie kahit na pitong taon na silang magkarelasyon.

Sey ni Barbie sa kanyang IG post, “POV: when your 7th Valentine’s dinner still feels like the first date.”

Gabbi Garcia at Khalil Ramos

Talagang mapapa-sana all ka sa magdyowang sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos dahil bukod sa yearly tradition ng aktor na bigyan ng box of roses si Gabbi, may pa-Dyson Airwrap pa ito!

Sey ni Gabbi sa kanyang IG post, “ily!!! 7th v day [together]! you still make my heart flutter every single day!!!”

Heart Evangelista at Chiz Escudero

Isang singsing naman ang regalo ni Sen. Chiz Escudero sa kanyang asawang si Heart Evangelista.

Hindi lang kasi Valentine’s kundi birthday rin ng Kapuso actress nitong February 14.

Kahapon, February 15 naganap ang renewal of vows nilang mag-asawa.

Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey

Beach bonding naman ang naging Valentine’s celebration nina Miss Universe Pia Wurthzbach at ng asawa nitong si Jeremy Jauncey.

“I don’t mind being stuck on an island with you. It’s you and me always [heart emoji]. Happy Valentine’s, my love!” caption ni Pia sa kanyanf post.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending