RM ni Bea Alonzo patuloy ang cryptic post, sino kaya si 'hustler'?

RM ni Bea Alonzo patuloy ang cryptic post, sino kaya si ‘hustler’?

Therese Arceo |February 08,2024
facebook
share this

RM ni Bea Alonzo patuloy ang cryptic post, sino kaya si ‘hustler’?

Therese Arceo - February 08, 2024 - 05:10 PM

RM ni Bea Alonzo patuloy ang cryptic post, sino kaya si 'hustler'?

MUKHANG the plot thickens ukol sa tunay na dahilan sa likod ng paghihiwalay ng celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Buhat kasi nang magsimula ang chikang hiwalay na ang dalawa ay bantay sarado na ng mga netizens ang dalawa pati na rin ang mga taong malapit sa kanila.

Kaya naman mabilis na nakita ng mga netizens ang deleted Instagram story ng road manager ni Bea na si Nina Ferrer patungkol naman sa “hustler”.

Makikita na ibinahagi nito na may dalawang ibig sabihin ang hustler, ang isa ay “an aggressively enterprising person or a go-getter” habang ang isa naman ay “prostitute”.

Agad naman itong na-pick up ng mga netizens at ang ilan pa ay nakapag-secure ng sceeenshot sabay kabit ng naturang post sa isyung kinakaharap nina Bea at Dominic.

May mga nagsasabing tila pahaging ito ng RM ng Kapuso actress sa dating dyowa ng alaga.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na ayon kay Boy Abunda

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Naging usap-usapan tulog kung ito ba ang rason kung bakit tuluyang naghiwalay sina Bea at Dominic.

Kaugnay nito ay lumabas ang chikang pinaimbestigahan raw ng mga taong malalapit sa Kapuso actress ang dating aktor at ang natuklasan raw nito ang naging dahilan kung bakit hinsi na matutuloy ang kanilang kasal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May chika rin na ang kasalukuyang mamahaling condo na tinitirhan ngayon ni Dominic ay pagmamay-ari raw ng isang politiko at mag connect rin ito sa mga natuklasan ni Bea.

Sa kabila naman ng mga haka-hakang kung ano ang tunay na dahilan ng break up ay nakiusap naman si Dominic na iwasan na ang mga hindi magagandang komento laban sa dating fiancèe.

“Bea’s a beautiful person inside n out… [white heart emoji] no hate/bashing/negative things please… [praying emoji],” sey ni Dominic.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending