Senyora: Kelan kaya mababalita ni Ogie Diaz si Kiray?

Senyora abangers na: Haaay! Kelan kaya mababalita ni Ogie Diaz si Kiray?

Ervin Santiago |February 18,2024
facebook
share this

Senyora abangers na: Haaay! Kelan kaya mababalita ni Ogie Diaz si Kiray?

Ervin Santiago - February 18, 2024 - 09:46 AM

Senyora abangers na: Haaay! Kelan kaya mababalita ni Ogie Diaz si Kiray?

Kiray Celis, Stephan Estopia

LAUGH trip na naman ang mga netizens sa latest patutsada ng social media personality na si Senyora laban kay Kiray Celis.

Umariba uli ang sikat na personalidad sa kanyang pang-ookray sa Kapuso comedienne sa gitna ng mga nagaganap na hiwalayan sa mundo ng showbiz.

Pinagdiskitahan kasi ni Senyora ang isang sweet photo ni Kiray kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia na tila may halon inggit.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)


Sa kanyang Facebook account, ibinandera ni Senyora ang kanyang saloobin tungkol sa sunud-sunod na breakup ng mga kilalang celebrity couple.

Baka Bet Mo: Kiray vs. Senyora nangangamoy bardagulan na naman; Sharon certified action star na dahil kay Coco

Aniya, abangers na raw siya na mabalita ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz ang komedyanang si Kiray. Ibig sabihin waiting daw siya kung kailan naman maghihiwalay sina Kiray at Stephan.

Tinatawag ngayong “Patron Saint of Chismis” si Ogie dahil sa mga naibalita niyang paghihiwalay ng mga showbiz couple sa kanyang YouTube channel.

Kabilang na nga riyan ang breakup Nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Kim Chiu at Xian Lim, Jericho Rosales at Kim Jones, at nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Hirit ni Senyora, “Haaaaaay kelan kaya mababalita ni Ogie Diaz si Kiray.”

Sa comment section ng kanyang FB status, nag-post din ang socmed personality ng picture nina Kiray at Stephan habang nagki-kiss. Aniya sa caption, “Nakakapikon.”

Habang isinusulat namin ang artikulong ito ay wala pang resbak si Kiray sa panunukso ni Senyora. Narito naman ang mga nakakalokang comments ng netizens.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“True love yan Senyora wla ka laban jan.”

Baka Bet Mo: Kiray Celis inokray ni Senyora: Kahit ako ibu-blur ko rin mukha e“Inggit yarn!?”

“Pikit Senyoraa. That’s true love.”

“Importante maganda ka Senyora.”

“Simulan mo Ng dasalan ANG itim na kandila Senyora.”

“Kakatapos lang Nang February 14 Mukhang May napapanis Nanaman sa INGGIT Senyora.”

“Grabe cya ohhh. bk mamaya ikaw ang i chika ni mama ogie diaz n certified flat k dw.”

“Wag k ng mainggit Dyan Senyora. may drting din sau bka fetus plang.”

“Senyora apaka harsh mo po kila ate kiray. hahaha may tamang panahon po diyan. HAHAHA!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kinaaaliwan ng mga netizens ang bardagulan nina Kiray at Senyora sa social media lalo na kapag nag-aasaran sila tungkol sa kanilang mga itsura at sa lovelife.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending