Kiray hindi makapaniwalang nadala ang pamilya sa Disneyland

Kiray Celis hindi makapaniwalang nadala ang buong pamilya sa Disneyland

Pauline del Rosario |December 27,2023
facebook
share this

Kiray Celis hindi makapaniwalang nadala ang buong pamilya sa Disneyland

Pauline del Rosario - December 27, 2023 - 12:26 PM

Kiray Celis hindi makapaniwalang nadala ang buong pamilya sa Disneyland

PHOTO: Instagram/@kiraycelis

IKA nga nila, ang “happiest place on earth” ay ang Disneyland.

Pero tila wala nang makakapantay sa saya na nadarama ngayon ng comedienne-actress na si Kiray Celis nang madala niya ang buong pamilya sa nasabing sikat na theme park.

Sa Instagram, ibinandera ng komedyana ang ilang masasayang pictures nilang pamilya at aminado rin siya na tila dream come true na mangyari ito.

Caption ni Kiray, “Never ko sa buong buhay ko na ma-imagine na madala kayo sa Hong Kong Disneyland.”

“Pero sabi nga nila.. walang imposible kapag nangangarap ka at nagdadasal ka,” sey pa niya.

Baka Bet Mo: Melai Cantiveros ‘napabulagta’ nang makita ang ultimate crush na si Jericho Rosales

Nagpasalamat din ang aktres sa lahat ng kanyang fans dahil ang suporta raw ang dahilan na nakarating ng Disneyland ang kanyang pamilya.

“Maraming salamat po sa patuloy na sumusuporta at nagmamahal sakin. Nang dahil sa inyo, nabibigyan ko po ng Maganda, Masaya at Mabuting buhay ang pamilya ko,” ani niya sa IG.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)

Sa isa pang post, inihayag ni Kiray na ilang beses na siyang nakapunta ng Disneyland sa Hong Kong, pero iba pa rin kapag kasama ang pamilya.

“Pang ilang beses ko na dito pero, iba pala yung pakiramdam bumalik sa mga ganitong mga lugar kapag kasama mo pamilya mo no? Sarap sa pakiramdam!” lahad niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)

Maraming netizens naman ang naantig sa mga posts ni Kiray at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Merry Christmas Miss Kiray and to your family. As a fan, I will support you, matter what [emojis]”

“You are blessed because you’re a kind person [red heart emoji]”

Matatandaan noong Setyembre lamang nang namatayan ng sister-in-law ang komedyana.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ng dalaga ang kanyang mensahe para sa yumaong minamahal sa buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Base sa kanyang post ay kasalukuyang nasa trabaho si Kiray nang malaman niya ang nangyari sa asawa ng kanyang kuya.

Nangako rin ang aktres na hindi niya pababayaan ang mga anak na naiwan ng kanyang sister-in-law.

Hindi naman na binanggit ni Kiray kung ano ang dahilan ng pagpanaw ng kanyang sister-in-law.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending