Kris Aquino tinupad ang promise kay Kuya Josh, rumampa sa Disneyland | Bandera

Kris Aquino tinupad ang promise kay Kuya Josh, rumampa sa Disneyland

Therese Arceo |January 28,2023
facebook
share this

Kris Aquino tinupad ang promise kay Kuya Josh, rumampa sa Disneyland

Therese Arceo - January 28, 2023 - 07:19 PM

SUPER happy ang Queen of All Media na si Kris Aquino dahil kinaya niyang tuparin ang kanyang pangako sa panganay niyang anak na si Josh.

Nitong Sabado,January 28 ay nag-post siya ng bagong update sa kanyang Instagram post kung saan binisita nila ang tinaguriang “happiest place on Earth”, ang Disneyland.

“Promise fulfilled…Because I gave kuya Josh my word,” saad ni Kris sa kanyang caption.

Matatandaang sa nauna niyang Instagram post nitong January 25, ika-90th birthday ng kanyang inang si dating Pangulong Corazon Aquino ay sinabi niyang nangako siya sa panganay na anak na pupunta sila sa Disneyland.

Bagamat may iniindang sakit si Kris ay pinilit nga niyang sumama sa dalawa at nagdasal sa Panginoon na sana ay kayanin niyang makasama sa dalawa kahit maka-limang rides lang siya para sa mabigyan ng happy memories ang mga anak.

Aniya, iba raw kasi ang sinet na example ng kanyang ina na kaya naman kahit na may nararamdaman ay go siya para sa mga anak ng walang reklamo.

“I want Kuya & Bimb to see they are worth all the pain & discomfort because I know they still need me,” lahad ni Kris.

Marami nga sa mga netizens ang super happy dahil mukhang mas nagiging mabuti na ang lagay nito dahil base sa video ay wala na ring suot na mask si Kris habang gumagala sa theme park.

Umani naman ng maraming komento ang naturang post ng TV host-actress na panay magagandang mensahe at dasal ang ipinapaabot.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)

“Wow ang gwapo mila kuya josh and Bimb!” saad ni Melai Cantiveros.

Coment naman ni Krissy Achino, “This video made me cry. You really are a woman of your words, Ms. Kris! So happy to see u bond with your BOYS & eventually slowly recovering. Praying for you, always!”

“Bat ako naiiyak? Basta pagmamahal ng isang ina, lalaban at lalaban pra sa anak. God bless you!” sey ng isang netizen.

Samantala inamin ni Kris sa comment section na matapos ang kanilang gala ay pahinga siya ngayon.

“Bedridden now BUT kuya kept saying ‘thank you mama’… super worth it to give him this memory… my checkup is in several days, i don’t know if my doctors will immediately start me on my immunosuppressant therapy. Please keep praying,” lahad ni Kris.

Related Chika:
Kris Aquino alam na ang kanyang ‘worth’, ‘best role model’ ang yumaong ina

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kris ipinagdadamot daw sina Joshua at Bimby sa kanilang mga tatay; Philip, James ilang beses nang napahiya

Kris may pa-surprise sa 26th b-day ni Joshua: Thank you Mama and Bimb, I love you!

VP Leni natuwa sa pagbisita sa Tarlac: PNoy may be gone now but Josh being there really meant a lot

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending