VP Leni natuwa sa pagbisita sa Tarlac: PNoy may be gone now but Josh being there really meant a lot Bandera

VP Leni natuwa sa pagbisita sa Tarlac: PNoy may be gone now but Josh being there really meant a lot

Reggee Bonoan |November 04,2021
share this

VP Leni natuwa sa pagbisita sa Tarlac: PNoy may be gone now but Josh being there really meant a lot

Reggee Bonoan November 04, 2021 - 02:03 PM

VP Leni sinalubong ni Kuya Josh nang bumisita sa Tarlac: PNoy may be gone now but Josh being there really meant a lot

ISA ang Tarlac province sa binisita ng isa sa presidentiable na si VP Leni Robredo kahapon, Miyerkules at nagulat siya dahil ang sumalubong sa kanya ay ang panganay na anak ni Kris Aquino na si Kuya Josh na inabutan siya ng pink balloons bilang pag-welcome sa kanya.

Pinost ni VP Leni sa kanyang Facebook page ang mga larawan nila ni Josh na ang caption, “Had a really productive day in Tarlac today. Will post about it later. But let me just thank Josh for surprising me with a Welcome balloon when I arrived at the DIWA Center for an event.

“He is a Tarlac resident already. Thank you also, Kris, for the 100% support. PNoy may be gone now but Josh being there really meant a lot.”

Tiyak na sobrang proud ni Kris sa panganay niyang si Joshua sa maganda nitong gesture dahil sap ag-welcome nito kay VP Leni at nakasuot din siya ng kulay pink na polo shirt.

Trending ang larawang pag-abot ni kuya Josh ng lobo kay VP Leni na umabot sa almost 40k likes at hearts, 1.8k shares at 566 komento na pinupuri ang anak ni Kris na ngayon ay residente na ng Tarlac.

Ang ilang sa mga nabasa naming komento:

Mula kay @Ashley Precious Vale, “Yes, mabait iyan batang iyan, love na love iyan ni Tio nya Noy. Kaya naman s’ya daw iyong talagang nag-suffer sa pagkawala ng Tito Noy nya.”

Say ni @Nydia Verdadero, “PNoy’s spirit working on Josh! So touching!

#Joshpinkshirt #Joshgreenshoes #LeniKiko2022”

Napuri si Kris sa pagpapalaki niya sa mga anak.

Sabi ni @Teresa Cecille, “Kris raised two well breed handsome men, welcome josh to the pinkylacious supporter of Our forthcoming PRES LENI and VP KIKO.”

At si @Lolit Mancera Nantes, “So happy thanks Kris n Josh for the big welcome to our Future Pres. Pinoy in heaven is happy watching, mga pinsan ko was there in Tarlac.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pa kaming nabasang reaksyon ni Kris tungkol sa anak at sa post ni VP Leni.

Anyway, sobrang na-touch si VP Lenis a mga taga-Tarlac dahil habang nasa entablado raw siya ay may nag-abot sa kanya ng lukot-lukot na tig P100 pero bill.

“Our Tarlac events today were so much fun. Met so many local officials and volunteers who, we found out, have been doing so much already since I filed my candidacy.

“After my speech onstage, a lot of people came up to have their pictures taken. Biglang may kumuha sa kamay ko at may nilagay. Tinanong ko ‘yung babae kung ano ‘yun. Sabi niya, “pinapabigay po ng anak ko. Baon niya po yan sa school pero binilin niya sa akin na ibigay sayo kasi gusto niyang makatulong”.

“Dahil siksikan, nakita ko kung ano yung binigay niya nu’ng nakasakay na ako sa sasakyan. Crumpled na dalawang P100 bills!!!

“Sobrang nakaka touch, di ba? Hindi ko nakuha pangalan ng nagbigay. So kung mabasa niyo po ito, pa comment po dito para makapagpasalamat ako ng maayos.”

Related Chika:
Kris may pa-surprise sa 26th b-day ni Joshua: Thank you Mama and Bimb, I love you!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending