Kris may pa-surprise sa 26th b-day ni Joshua: Thank you Mama and Bimb, I love you! | Bandera

Kris may pa-surprise sa 26th b-day ni Joshua: Thank you Mama and Bimb, I love you!

Ervin Santiago |June 04,2021
facebook
share this

Kris may pa-surprise sa 26th b-day ni Joshua: Thank you Mama and Bimb, I love you!

Ervin Santiago - June 04, 2021 - 12:23 PM

KAHIT malayo sa isa’t isa, sinorpresa pa rin nang bonggang-bongga ni Kris Aquino ang panganay niyang anak na si Joshua sa 26th birthday nito ngayong araw, June 4.

Nag-share ang TV host-actress sa social media ng mga kaganapan sa regalong sorpresa niya kay Josh na naninirahan na ngayon sa Tarlac City kasama ang kanyang mga kapamilya roon.

Isang video ang ipinost ni Tetay sa Instagram kung saan makikita si Joshua habang namimigay ng regalo at grocery bags sa mga taga-Tarlac bilang bahagi ng kanyang birthday celebration.

Makikita rin sa video ang iniregalong golf cart ni Kris sa anak na agad nitong sinakyan at pinaadar. Kitang-kita sa itsura ni Josh ang saya nang tumambad sa kanya ang bonggang gift ni Tetay.

“Thank you Mama and Bimb. I love you,” sey ni Josh habang nakasakay sa iniregalo sa kanya ni Kris.

Narito naman ang caption ng Queen of All Media sa kanyang IG post, “June 4, 1995. I was so NOT READY to be a mama… In many ways kuya Josh helped me grow up.”

“He was just 3 years old when it became just the 2 of us. Because never kong tinago sa inyo that he is a special child, that he’s in the autism spectrum, oftentimes na bully siya lalo na pag may pulitikang involved. 

“BUT ‘di hamak mas marami ang nagtanggol at nakaramdam ng pureness ng puso niya at ng kanyang genuine na generosity at ang hindi niya pagpili sa kakaibiganin at bibigyan ng respeto. 

“For kuya kung mabait ka at nagpakita ng kabutihan higit dun ang lambing at pagmamahal na isusukli niya,” pahayag pa ng TV host.

Muli, nagpasalamat si Kris sa lahat ng taong sumusuporta at patuloy na nagtitiwala sa kanya dahil kung wala raw ang mga ito ay hindi niya maibibigay sa mga anak ang magandang buhay na pinangarap niya para sa mga ito.

“I have often said life isn’t perfect BUT it does have many wonderful moments. Hindi possible for kuya Josh, Bimb, and me to share our blessings had you not given me the trust and support you have. 

“Nakabalik ako sa trabaho, and I’d like to consider that my true career started because you accepted me with all my flaws and strengths 4 months after I gave birth to my panganay. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Lahat ng meron kaming mag nanay, nanggaling sa trabaho ko na sinuportahan ninyo. Habang kakayanin, patuloy namin ibabalik sa inyo yung blessings that you gave the 3 Aquinos. Happy birthday, Kuya Josh. We love you,” mensahe pa niya sa panganay na anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending