Kris Aquino alam na ang kanyang 'worth', 'best role model' ang yumaong ina | Bandera

Kris Aquino alam na ang kanyang ‘worth’, ‘best role model’ ang yumaong ina

Therese Arceo |January 26,2023
facebook
share this

Kris Aquino alam na ang kanyang ‘worth’, ‘best role model’ ang yumaong ina

Therese Arceo - January 26, 2023 - 05:14 PM

Kris Aquino alam na ang kanyang 'worth', 'best role model' ang yumaong ina
SA kabila ng kalgayan ng kanyang kalusugan ay hindi pa rin nakakalimot ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa kanyang mga mahal sa buhay.

Kahapon, January 25, binati niya ang kanyang yumaong ina na si dating Pangulong Corazon Aquino para sa ika-90th birthday nito.

Sa kanyang Instagram account ay ibinandera ni Kris ang isang video ng kanilang mga larawang magkakasama noon pati na rin ang mensahe niya sa kanyang ina.

Damang-dama naman ang pangungulila niya sa kanyang ina base na rin sa mga texts na makikita sa video kung saan sinabi niyang “sometimes the person you need to talk to most, is in heaven.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)

Maririnig rin ang kantang “Scars in Heaven” ng Casting Crowns bilang background music ng video.

Ibinahagi rin ni Kris ang kanyang mga larawan na kung saan makikita ang panumula ng kanyang mukha at mga tila rashes sa ibang bahagi ng kanyang katawan na dulot ng kanyang iniindang sakit.

“Happy 90th birthday in heaven… I prayed about my decision on whether to show everyone what it’s been like- because you never wanted anybody to know how difficult it was for you,” pagsisimula niya.

Ani Kris, naaawa na raw siya sa kanyang Ate na nahihirapang ipaliwanag kung bakit nasa America pa rin siya at hindi pa rin nagsisimula ang kanyang treatment.

“I’ll take this opportunity to explain, unfortunately I’m allergic to so many types if medicine, and I have such an adverse (meaning total opposite than what’s expected) reaction to steroids- Normally the first line of defense for autoimmune patients.

“I did steroid challenge while still in Manila, May 6, the Friday before elections… 4 doctors where present giving me baby doses until we reached 80mg,” pagbabahagi ni Kris.

Makalipas nga raw ng ilang oras ay konting galaw lang ay labos na sakit na ang nadarama niya at kinailangan niyang tiisin ito dahil allergic siya sa opioids gaya ng morphine at fentanyl.

Paglilinaw ni Kris, mayroon siyang apt na kondisyon: chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis, Churg Strauss Syndrome (EGPA), at Crest Syndrome o Scleroderma at malaki ang tsansa na magkaroon pa siya ng dalawa pang sakit base sa kanyang physical manifestations.

Sinabi rin niya na sa birthday ng ina ay pupunta sila sa “happiest place on Earth”, ang Disneyland dahil naipangako niya rin ito sa kanyang panganay na si Kuya Josh.

“I really pray kayanin ko, even just 5 rides so Kuya will have happy memories during this whole ordeal. It’s because of the example you set that even when my deep bone pain is awful or my vascular urticaria is everywhere- I dont complain- I want Kuya & Bimb to see they are worth all the pain & discomfort because I know they still need me,” lahad ni Kris.

Proud pa niyang sinabi na ang kanyang ina ang “best role model in the world” at forever siyang proud na anak siya ni Cory at ina nina Josh at Bimb.

Sey pa ni Kris, “You told me many times, I’ll only have a successful relationship if I find your male version. But with all I’ve been through, I finally see so much of you in me.

“What I’m trying to say mom is I’m no longer looking for someone to complete me. Finally realized the truth in what you’d always say to me: ‘Kristina, know your worth.’ Yes mom, I do.”

Patuloy ang pagdarasal namin para sa mas maging maayos ang iyong kalusugan at mas makasama mo pa ang iyong mga anak, Kris! Laban lang!

Related Chika:
Kris Aquino may bagong update sa lagay ng kalusugan: Tuloy ang laban, bawal sumuko!

Cristy Fermin kinilabutan sa nakakikilabot na hula kay Kris: Pero Diyos lang ang nakakaalam kung kailan babawiin ang ating buhay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kris Aquino shookt sa latest photos sa socmed: I’ve avoided posting any pics of myself

Hula ng Tarot card reader kay Kris Aquino shocking; hindi pa makakauwi ng Pinas sa 2023

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending