Hula ng Tarot card reader kay Kris Aquino shocking; hindi pa makakauwi ng Pinas sa 2023 | Bandera

Hula ng Tarot card reader kay Kris Aquino shocking; hindi pa makakauwi ng Pinas sa 2023

Reggee Bonoan |December 29,2022
facebook
share this

Hula ng Tarot card reader kay Kris Aquino shocking; hindi pa makakauwi ng Pinas sa 2023

Reggee Bonoan - December 29, 2022 - 08:28 AM

Hula ng Tarot card reader kay Kris Aquino shocking; hindi pa makakauwi ng Pinas sa 2023

Kris Aquino

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA para sa ikalawang bahagi ng pagpapahula ni Romel Chika, ang vlogger-online host ng “Cristy Ferminute” at “Showbiz Now Na”.

Ang tinaguriang Prophetic Witch na si Mamu Gloria Escoto ang nanghula sa kanya na talagang dinayo pa niya sa Cabanatuan City, Nueva Ecija kamakailan.

Huling hinulaan ni Mamu sa unang bahagi ay si Alden Richards na sinabing hindi niya taon ang 2023 dahil bababa ang showbiz career niya at wala pa rin siyang lovelife pero magiging matagumpay pa rin ang kanyang mga negosyo.

Sa simula ng part two ng pagtatanong ni Romel Chika ay pinahulaan niya si Kris Aquino na ipinanganak noong Pebrero 14, 1971.

“Kasi ito hindi na natin alam ang totoo kung ano status ng kanyang health,” say ni Romel Chika kay Mamu.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


“Si Ms. Kris, hindi siya okay,” sagot kaagad ni Mamu. “Hindi lang dahil siguro maysakit siya pero dahil sa emosyonal na pinagdaraanan niya ngayon.”

Katwiran ni Romel ay may depresyon si Kris dahil hindi ito nakakapagtrabaho, pero sabi naman ni Mamu ay pilit na nilalabanan ng Queen of Social Media ito para sa mga anak niyang sina Joshua at Bimby.

Say naman ni Mamu, “So, ang nasa isip niya ngayon is balewala ang pera sa kasalukuyang kalagayan niya at marami pa siyang pera.”

“Hindi mauubos kahit palipat-lipat siya ng hospital?” sambit ni Romel kay Mamu.

“Pero kahit anong gawin niya, wala na (sabay pakita ng card), ‘yun na ‘yung possible na ikawala niya,” say ni Mamu.

Nagulat si Romel at malumanay nitong tanong ulit sa Tarot card reader, “Mamamatay si Kris Aquino?”

“Sa pinagdaranan niya ngayon, ‘yun ang posible na ikamatay niya,” kaswal na banggit ni Mamu Gloria.

“Ay, nakakalungkot ito pero lahat naman yan ang mangyayari,” tugon ni Romel Chika.

Dagdag pa, “Tungkol kay Kris Aquino wala po talagang nakakaalam kung sino si Kris Aquino.”

“Actually kung sa cards natin babasahin, ini-enjoy niya ‘yung oras para sa mga anak niya, para sa pamilya niya.

“Gusto niya masaya lagi, iniisip niya kasi na isang araw uuwi na siya rito (Pilipinas),” pahayag ni Mamu habang nakatingin sa mga cards.

Diretsahang tanong ni Romel Chika, “May taning na ang buhay niya?”

“Actually, wala pa naman (habang nakatingin sa mga baraha).  Mahaba-haba pa naman siya,” kaswal na sabi ng Tarot card reader.

“Babalik na ba si Kris Aquino next year? Kasi may kumalat na babalik na siya next year,” tanong niya uli.

“Sa cards parang negative pa,” sagot ni Mamu.

At sinang-ayunan din ang tanong ni Romel kung malubha ang sakit ni Kris habang binabalasa na nito ang cards.

Ipinagdiinan ni Romel na “gabay” lang naman itong mga sinabi ni Mamu.

Heart Evangelista mas magiging matunog ang pangalan sa 2023, magkakaroon daw ng ‘manliligaw’?

Coco Martin mas dadami raw ang pera sa 2023, Angel Locsin may pinagdaraanan nga ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

#PakOFlop: Gloria Escoto hinulaan ang mangyayari sa MMFF 2022 entries

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending