Cristy Fermin kinilabutan sa nakakikilabot na hula kay Kris: Pero Diyos lang ang nakakaalam kung kailan babawiin ang ating buhay | Bandera

Cristy Fermin kinilabutan sa nakakikilabot na hula kay Kris: Pero Diyos lang ang nakakaalam kung kailan babawiin ang ating buhay

Ervin Santiago |January 02,2023
facebook
share this

Cristy Fermin kinilabutan sa nakakikilabot na hula kay Kris: Pero Diyos lang ang nakakaalam kung kailan babawiin ang ating buhay

Ervin Santiago - January 02, 2023 - 08:21 AM

Cristy Fermin kinilabutan sa nakakikilabot na hula kay Kris: Pero Diyos lang ang nakakaalam kung kailan babawiin ang ating buhay

Kris Aquino at Cristy Fermin

KINILABUTAN ang veteran columnist at online host na si Nanay Cristy Fermin nang marinig ang hula ng isang Tarot card reader patungkol kay Kris Aquino.

Isa sa mga natalakay nina Nay Cristy, Romel Chika at Wendell Alvarez sa kanilang YouTube Channel na “Showbiz Now Na” ang nasilip ng prophetic witch na si Mamu Gloria Escoto sa kapalaran ni Kris.

Ayon kay Nanay Cristy, totoong natakot at tumaas ang kanyang balahibo nang sabihin ng manghuhula na posibleng tuluyan nang magpaalam sa mundo ang mama nina Joshua at Bimby.

Talagang sinadya pa ni Romel Chika si Mamu Gloria sa Cabanatuan City para magpahula at itanong kung ano ang magiging kapalaran ng mga sikat na celebrities ngayong 2023.

Isa na nga riyan si Kris na patuloy na nagpapagamot sa Amerika dahil sa kanyang mga karamdaman. Ayon kay Mamu, nakikita raw niya ang paglala ng sakit ni Kris at kahit ano pa raw ang gawin ng TV host ay hindi na raw siya gagaling.

“Marahas po ang sinabi niya kay Romel na si Kris Aquino po ay…” ang biting pahayag ni Nay Cristy.

“Mamaaalam… hindi next year kundi magpapaalam siya sa kanyang karamdaman,” ang pagpapatuloy ni Romel.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


“Mamamaalam dahil siya ay gagaling o mawawala siya sa mundo?” ang tanong naman ng beteranang kolumnista.

“Mawawala siya sa mundo,” sagot ni Romel sabay pakita ng video clip ni Mamu habang kausap ang stand-up comedian na kuha mula sa vlog nito.

“Si Ms. Kris, hindi siya okay. Pero nilalabanan niya (depresyon at iba’t ibang sakit). Kaya lang, kahit anong gawin niya, wala na,” ang hula ni Mamu.

“Health. ‘Yun ang possible na ikawala niya” dugtong pa niya.

“Kung ano man yung pinagdadaanan niya ngayon, yun ang posibleng ikamatay niya,” sabi pa ng Tarot card reader.

Ang reaksyon nga ni Nanay Cristy, “Alam mo, kinikilabutan ako. Unang-una, naiintindihan ko kasi ang propesyon ng mga manghuhula.

“Gift kung tawagin nila ‘yung nakapagbabasa sila ng kapalaran ng kapwa nila.

“Pero ako kasi ang pinaninindigan ko at pinaniniwalaan ko, walang maaaring makaalam kung kailan tayo magpapaalam,” mariin pa niyang pahayag.

Dagdag pa ng online at radio host, “Nirerespeto ko si Mamu, pero mas nirerespeto ko ang kapangyarihan ng Diyos.

“Diyos lang ang nakakaalam kung kailan niya babawiin ang ating buhay,” sabi pa niya.

Ricky Davao pinaiyak ni Jose Manalo: Grabe yun, talagang kinilabutan ako!

Hula ng Tarot card reader kay Kris Aquino shocking; hindi pa makakauwi ng Pinas sa 2023

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin pinag-iingat sa 2023, kailangan na raw mag-quit sa showbiz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending