Ricky Davao pinaiyak ni Jose Manalo: Grabe yun, talagang kinilabutan ako! | Bandera

Ricky Davao pinaiyak ni Jose Manalo: Grabe yun, talagang kinilabutan ako!

Ervin Santiago |July 31,2022
facebook
share this

Ricky Davao pinaiyak ni Jose Manalo: Grabe yun, talagang kinilabutan ako!

Ervin Santiago - July 31, 2022 - 07:19 AM

Jose Manalo at Ricky Davao

KINILABUTAN at naiyak talaga ang veteran actor-director na si Ricky Davao kay Jose Manalo nang idirek niya ang isang episode sa Holy Week special ng “Eat Bulaga” ilang taon na ang nakararaan.

Kuwento ni Ricky, kung napakagaling na komedyante ni Jose, hangang-hanga rin siya sa husay nito pagdating sa pagdadrama.

“Ito sa Japan, grabe pinaiyak ako,” ang sabi ni Ricky sabay turo kay Jose nang mag-guest siya sa “Bawal Judgmental” segment ng Kapuso noontime show na “Eat Bulaga.”

Ang tinutukoy ng premyadong aktor ay ang “Ikigai: Buhay ng Buhay Ko” na Holy Wednesday episode ng “Eat Bulaga” noong 2019.

“Meron siyang isang eksena doon na naalala ko na magdadasal siya, totoong nagdasal. So talagang kinilabutan ako noong pinapanood ko. ‘Yung totoo talaga,” pahayag ng veteran actor.

Samantala, tungkol sa pagdidirek ng mga artista, sinabi ni Ricky na may tiwala na siya mga kapwa niya veteran stars kaya hinahayaan na lamang niya ang mga ito kung paano bibigyang-hustisya ang  kanilang mga karakter.

Sabi ni Ricky, ini-explain na lang niya sa kanyang mga artista ang tatakbuhin ng kuwento at kung saan nanggagaling ang bawat karakter.

View this post on Instagram

A post shared by Ricky Davao (@rickyad)


“Katulad kay Allan dati. ‘Allan ito ‘yan ha,’ ganu’n lang. Tapos, bahala na siya. Eh, ang gagaling naman nilang lahat eh,” pahayag ni Ricky.

Kung hindi kami nagkakamali, ka-join din sa nasabing episode sina Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon, Pauleen Luna, Jimmy Santos at Luane Dy.

“Kapag veteran actors, may respeto na ako, may tiwala na ako. At naniniwala ako na kinuha kang artista, trabahuhin mo.

“Puwede akong magsabi based on my understanding doon sa script kung ano ang character. Pero pababayaan ko siyang gawin ‘yung sarili niya,” paliwanag pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naibahagi rin ni Ricky na nagsimula siyang magdirek sa isang TV network nang subukan nilang kumuha ng mga aktor na magdidirek kaya sinubukan niyang sumali and the rest as they say, is history.

Anak nina Ricky at Jackie Lou nagpakitang-gilas sa PBB 10 audition

Derrick Monasterio nagetsing ang atensyon ni Ricky Martin; follower na niya sa IG

Ricky Lee apektado sa mga pilit bumabago ng kasaysayan: Para akong binubura

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending