Barbie Forteza ilang beses na-reject bilang young Marian, ‘di sumuko
MULING binalikan ng Kapuso superstar na si Barbie Forteza ang mga panajon kung saan nagsisimula pa lang siya sa mundo ng showbiz.
Sa kaniyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, February 12, kasama ang ka-love team na si David Licauco ay muli silang nakapagchikahan ng King of Talk.
Sa isang bahagi ng kanilang pag-uusap ay nausisa si Barbie kung ano ang mga pinagdaanan nito sa kanyang career.
“Barbs, ikaw? Mayroon kang pinagdaanang ganoon? You auditioned tapos hindi ka nakuha?” tanong ni Boy.
Sagot ni Barbie, “Opo naman”.
Dito ay ikinuwento ng dalaga ang naging audition noon.
Baka Bet Mo: Hiwalayang Barbie Forteza at Jak Roberto fake news, naglabas ng resibo
View this post on Instagram
Pagbabahagi ni Barbie, “‘Yung tatlong unang teleserye ni Miss Marian Rivera nag-audition po ako as young. ‘Yong ‘Marimar,’ ‘Dyesebel,’ saka ‘Darna’.
“‘Yong una, ‘Marimar’ ‘di po ako natanggap kasi takot ako sa aso noon. E, ‘di po ba may Pulgoso? Number two, ‘Dyesebel.’ Hindi ako marunong lumangoy. Ganda lang ang abot ni girl. E, medyo ‘yon ang point ng show. Medyo dapat marunong kang lumangoy.”
Noong panahon naman na nag-audition siya para sa “Darna”, inamin naman niyang natakot siya sa heights.
“Noong ‘Darna’ naman po, takot naman ako sa heights. Hindi naman pwedeng lumipad. Hindi ko rin alam kung bakit ako nag-audition,” chika pa ni Barbie.
Pero sa kabila ng kanyang mga hindi successful na audition ay happy pa rin ang dalaga na balikan ang mga pangyayari.
“That makes you grateful to be where you are today. But at the same time, not knowing that you’re inspiring a lot of young people out there who are still trying,” sey ni Barbie.
Muli namang mapapanood ang tambalang BarDa sa telebisyon dahil malapit nang ipalabas ang historical action-drama na “Pulang Araw” na pagbibidahan ng dalawa kasama sina Sanya Lopez at Alden Richards.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.