David certified Swiftie fan, susugod sa Australia para sa 'Eras Tour'

David Licauco certified Swiftie, susugod sa Australia para sa ‘Eras Tour’

Ervin Santiago |January 28,2024
facebook
share this

David Licauco certified Swiftie, susugod sa Australia para sa ‘Eras Tour’

Ervin Santiago - January 28, 2024 - 08:08 AM

David certified Swiftie fan, susugod sa Australia para sa 'Eras Tour'

Taylor Swift at David Licauco

CERTIFIED Swiftie ang Kapuso hunk actor na si David Licauco at talagang maglalaan siya ng panahon para sa major concert ni Taylor Swift.

Lilipad patungong Australia anytime this week si David para mag-watch “Eras Tour” ng award-winning country-pop superstar.

Kuwento ng ka-loveteam ni Barbie Forteza, super excited na siyang mapanood ang concert ni Taylor dahil matagal na niyang pinagplanuhan niya ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by David Licauco (@davidlicauco)


Kuwento ng binata, dapat daw ay manonood siya ng “Eras Tour” sa Singapore last March pero naubusan na raw siya ng ticket.

Baka Bet Mo: Xian Gaza nag-invest ng P50k sa kaibigan, ipinambili ng concert ticket ni Taylor Swift: Na-scam ‘yung scammer

Buti nga raw at may nakuha pa siyang ticket sa Sydney, Australia kaya buy agad siya kaya tuwang-tuwa siya at excited nang mapanood si Taylor.

“I’ll be watching Taylor Swift’s concert! You may not know, I’m a big, huge Taylor Swift fan. Swiftie ako eh.

“Nu’ng bata pa lang ako, talagang pinapanood ko na siya. So once, nanood ako ng concert niya sa Araneta Coliseum, 2014 yata.

“So now, nag-iba na mga songs niya. Until now fan pa rin ako,” chika pa ni David.

“Initially, dapat sa Singapore. Pero naubusan ng tickets. so when we found out na meron nga sa Australia, talagang binili namin,” dagdag pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Taylor Swift (@taylorswift)


Unang napanood ni David si Taylor nang mag-concert ito sa Pilipinas halos 10 taon na ngayon ang nakalilipas and fro then on ay naging super fan na siya ng international singer.

In fact, nasa workout playlist pa niya ang mga hit songs ni Taylor.

Baka Bet Mo: Ellen Adarna proud maging ‘Swiftie’, mamimigay ng Taylor Swift concert tickets

Bukod sa panonood ng “Eros Tour”, balak din ni David na dalawin ang kanyang kapatid sa Australia. Nagpaalam daw muna siya sa taping ng bago niyang serye sa GMA na “Pulang Araw”.

“I actually visit Australia frequently because of my sister. She lives there. She has her family na sa Australia. So yeah probably once a year I visit Australia,” ani David sa naturang interview.

Tungkol naman sa “Pulang Araw,” mas challenging daw ang role niya sa serye pero nagiging madali ang mga eksena niya dahil sa ka-loveteam niyang si Barbie Forteza.

“Siya yung sumalubong sa akin. Nung unang pagpasok ko sa set, nakita ko agad siya.

“So it’s been a while since we, since I saw her and medyo of course kahit papaano na-miss ko rin naman siya. Like parating sinasabi, ‘Pag katrabaho si Barbie, you know yung assurance na magiging okay lahat,’” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Humataw ang BarDa loveteam sa huli nilang limited series sa GMA na “Maging Sino Ka Man” last year.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending