Xian Gaza nag-invest ng P50k sa kaibigan, ipinambili ng concert ticket ni Taylor Swift: Na-scam 'yung scammer | Bandera

Xian Gaza nag-invest ng P50k sa kaibigan, ipinambili ng concert ticket ni Taylor Swift: Na-scam ‘yung scammer

Therese Arceo |July 11,2023
facebook
share this

Xian Gaza nag-invest ng P50k sa kaibigan, ipinambili ng concert ticket ni Taylor Swift: Na-scam ‘yung scammer

Therese Arceo - July 11, 2023 - 10:44 PM

Xian Gaza nag-invest ng P50k sa kaibigan, ipinambili ng concert ticket ni Taylor Swift: Na-scam 'yung scammer

NA-WOW mali ang social media personality na si Xian Gaza matapos makumbinsi ng kaibigan na mag-invest ng pera sa business ng huli.

Sa kanyang Facebook post noong Sabado, July 8, ibinahagi niya ang naging sitwasyon nila ng malapit na kaibigan.

Kuwento ni Xian, “Yung isa kong solid tropa nag-chat kagabi. Invest daw ako sa new business niya, 50K. Close na close kami kaya pumayag ako.”

Ngunit kinabukasan raw ay may pasabog na confession ang kanyang kaibigan sa kung saan napunta ang pera.

“Umamin ngayon. Hindi daw kaya ng konsensya niya. Pinambili daw niya ng ticket sa concert ni Taylor Swift. Naiscam yung scammer,” sey ni Xian.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Baka Bet Mo: Xian Gaza hinulaan ang posibleng ‘hipuan’ sa mga kaibigan ni Awra Briguela, iginiit na walang nahagip sa CCTV

Talaga namang iba ang kapangyarihan ng isang Taylor Swift sa mga Pinoy fans at kahit pangpondo sana ng business ay naisantabi para lang mapanood ito ng live.

Chika naman ni Xian, ok lang naman daw dahil umamin ang kaibigan. Bukod pa ron ay talagang malapit sa kanya ito kaya siguro madali niya itong napatawad.

“DIE HARD SWIFSTAKE EH MAHAL PA RIN KITA INAMO,” sabi niya ngunit itinama niya rin ang sinabi dahil pinagtripan daw siya ng kaibigan.

Kambyo ni Xian, “SWIFTIES pala!!! Napagtrippan pa nga oh kainis. Nadale ko dun ah.”

Havey naman sa mga netizens ang post ng social media personality at naghanap na rin ng “investors” para makanood rin ng Eras Tour ni Taylor.

“Mag hanap din kaya ako ng investors. Message nyo lang ako if gusto nyo mag invest pambili lang ng ticket,” sey ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “50k mo gawin kong concert ticket ko HAHAHAAHAHAHAH.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Painvest den po ng 50k para di na magbenta ng kidney para kay Taylor HAHAHAHA,” hirit naman ng isa.

Related Chika:
Xian Gaza kinumpirmang nililigawan ni Bobby Ray Parks Jr. si Zeinab Harake, nilinaw na hindi kabit ang bff

Melai Cantiveros nag-ala Taylor Swift, hirit sa madlang pipol: Bakit pa pupunta sa Singapore?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending