Melai Cantiveros nag-ala Taylor Swift, hirit sa madlang pipol: Bakit pa pupunta sa Singapore? | Bandera

Melai Cantiveros nag-ala Taylor Swift, hirit sa madlang pipol: Bakit pa pupunta sa Singapore?

Therese Arceo |July 11,2023
facebook
share this

Melai Cantiveros nag-ala Taylor Swift, hirit sa madlang pipol: Bakit pa pupunta sa Singapore?

Therese Arceo - July 11, 2023 - 07:15 PM

Melai Cantiveros nag-ala Taylor Swift, hirit sa madlang pipol: Bakit pa pupunta sa Singapore?
HAVEY na havey ang pakulo ng “Magandang Buhay” host na si Melai Cantiveros nang ibandera niya ang kanyang look na inspired sa sikat na international singer at songwriter na si Taylor Swift.

Kamakailan kasi ay dumalo ang Kapamilya star sa ika-30th anniversary celebration ng Star Magic at ang outfit nito ay tila inspired sa gown na isinuot ng dalaga sa kanyang Eras Tour.

Ibinandera nga ni Melai ang kanyang look sa isang Instagram post habang todo aura sa pagpo-pose sa kanyang super cute na overall look. Maging ang kanyang buhok ay naging blonde para pak na pak talaga ang kanyang awra.

Kwelang caption ng asawa ni Jason Francisco, “Bakit pa kayu punta ng Singapore [andito] lang sa [Philippines] si Taylors Sweep.”

Matatandaang isa ang bansang Singapore sa lugar na paglulusaran ng Eras Tour ni Taylor Swift na siyang malapit sa Pilipinas. Kaya naman nabanggit ito ni Melai dahiL marami sa mga Pinoy ang naglakas ng loob na bumili ng ticket makapunta lang sa concert ng iniidolo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Baka Bet Mo: Melai muntik maiwan ng flight, namutla sa kaba: ‘Patuloy lang ang biyahe in the name of raket…’

 

Agad namang umani ng komento mula sa kanyang mga Kapamilya friends ang naturang post ni Melai.

Comment ni Esnyr, isang social media personality, “gahot mami melai!!”

“TEKA LANG NAMAN!!!!!!! Cc @chinitaprincess @iamrobidomingo @mr_enchongdee,” komento naman ni Bianca Gonzales, isa sa kanyang mga co-hosts sa reality show na “Pinoy Big Brother”.

“Hala!!! Gwapa!!!” sey naman ni Kim Chiu kay Melai.

Hindi naman papahuli ang mga netizens sa kalokohan at may request rin kay Melai.

“Petition for Errors Tour by Taylor Sweep,” hirit ng isang netizen.

Dagdag naman ng isa, “Speak Now (Melai’s Version) 💜 Taylor Swift ka po, Momshie? Hehe.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Para kay Melai Cantiveros ‘di dapat mawala si Hesus sa pagdiriwang ng Pasko

Melai Cantiveros tinupad ang pangako kay Kris Aquino, dinalaw sina Josh at Bimb

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending