Xian Gaza hinulaan ang posibleng ‘hipuan’ sa mga kaibigan ni Awra

Xian Gaza hinulaan ang posibleng ‘hipuan’ sa mga kaibigan ni Awra Briguela, iginiit na walang nahagip sa CCTV

Pauline del Rosario |July 01,2023
facebook
share this

Xian Gaza hinulaan ang posibleng ‘hipuan’ sa mga kaibigan ni Awra Briguela, iginiit na walang nahagip sa CCTV

Pauline del Rosario - July 01, 2023 - 05:44 PM

Xian Gaza hinulaan ang posibleng ‘hipuan’ sa mga kaibigan ni Awra Briguela, iginiit na walang nahagip sa CCTV

PHOTO: Screengrab from Facebook/Christian Albert Gaza

“KASI nga walang nahagip sa CCTV na hipuan!”

‘Yan ang pilit na ipinaiintindi ng self-proclaimed Pambansang Marites na si Xian Gaza sa madlang pipol na nagpupumilit na ilabas ang “hipuan footage” kaugnay sa gulong kinasangkutan ng Kapamilya youngstar na si Awra Briguela.

Ayon kay Xian, “Nagalit muli ang mga netizens dahil daw bias ang pagkaka-review at hindi daw nila inilabas ang actual footage ng hipuan.”

“Kung gagamitan lamang natin ng utak and if we’re going to use our critical thinking, the best way for The Bolt Hole Bar to redeem itself is to release the hipuan footage because the entire Philippines is with Awra. The public opinion is with Awra,” dagdag niya.

Baka Bet Mo: Raffy Tulfo sinupalpal ang ‘pagdi-discriminate’ ng Makati Chief of Police kay Awra: Mali ka d’yan, sir… huwag ganoon

Ani pa niya, “Kung mailalabas nila ang ebidensya ng hipuan, sila ang magiging bida.”

Paliwanag pa niya, “Those young boys are not from political families. Sila ay mga puchu-puchung jejemon lamang sa gedli kaya there’s no effin way na poprotektahan sila ng management.”

Kasunod niyan ay naglabas ng iba’t-ibang scenario ang self-proclaimed Pambansang Marites patungkol sa mga kaibigan ni Awra na naging biktima umano ng harassment.

Narito ang mga naisip ni Xian na posibleng nangyari:

  • Chesmes Hypothesis 1: “Nahipuan ang mga babae sa blind spot ng bar na hindi kita sa CCTV kagaya na lang ng toilet area.”

 

  • Chesmes Hypothesis 2: “Nahipuan ang mga babae and it was caught on CCTV pero hindi masyadong halata kaya hindi na-review ng The Bolt Hole Bar.”

 

  • Chesmes Hypothesis 3: “Hindi totoong may nahipuan kaya kung sinu-sino na lang yung mga babaeng nagke-claim sa social media. Walang klaro. Yung iba ay convo screenshots with poser accounts na maaaring fabricated lamang.”

 

  • Chesmes Hypothesis 4: “Ang hipuan incident ay inimbento lamang ng mga kaibigan ni Awra to protect him from public scrutiny and reverse the narrative to a heroic friend who fought wholeheartedly for his friends. The Justice For Awra campaign went so strong for 24 hours because of the LGBT discrimination and police brutality narrative without knowing the events inside the bar.”

 

  • Chesmes Hypothesis 5: “Nag-trip yung mga kaibigang babae ni Awra at sinabi sa kanya through chat na yung mga lalaking kaharutan nila sa bar ngayon ay nanghipo kanina kaya biglang nagwala si Awra in the middle of the kasiyahan.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Kamakailan lang ay nag-viral ang CCTV footage na ibinandera ni Xian sa kanyang social media na kung saan ay makikita ang mga eksena na kuha sa loob ng Bolthole Bar sa Poblacion, Makati City – ilang minuto bago nangyari ang rambulan sa pagitan nina Awra at ng isang grupo ng mga kalalakihan noong Huwebes, June 29.

Ayon sa staff ng bar, humiling ang grupo nina Mark Christian Ravana kay Awra na magpa-picture ngunit sabi raw ni Awra ay maghubad muna ang guy bago siya pumayag.

Makikita pa nga sa isang video clip na hinatak ni Awra ang t-shirt ni Mark hanggang sa matumba sila at mapunit ang damit ng lalaki.

Hindi raw maapawat ang dating child star kahit anong pigil pang gawin ng mga bouncer hanggang sa lumabas na sa bar ang mga involved at nauwi na sa rambulan.

Hanggang ngayon ay nakakulong pa rin si Awra at nahaharap sa mga reklamong physical injuries, alarm and scandal, disobedience to authority, at direct assault.

Ayon sa pulisya ay next week pa pwedeng magpiyansa ang aktres.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Valentine Rosales biglang kambyo matapos kuyugin ng netizens: ‘Si Awra nakipagsuntukan pero ikaw ang naka-mouthpiece’

Awra Briguela super proud bilang working student: Inalagaan talaga ako nina Kuya Coco at Ate Vice

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending