Valentine Rosales biglang kambyo matapos kuyugin ng netizens: 'Si Awra nakipagsuntukan pero ikaw ang naka-mouthpiece' | Bandera

Valentine Rosales biglang kambyo matapos kuyugin ng netizens: ‘Si Awra nakipagsuntukan pero ikaw ang naka-mouthpiece’

Therese Arceo |June 30,2023
facebook
share this

Valentine Rosales biglang kambyo matapos kuyugin ng netizens: ‘Si Awra nakipagsuntukan pero ikaw ang naka-mouthpiece’

Therese Arceo - June 30, 2023 - 07:30 AM

Valentine Rosales biglang kambyo matapos kuyugin ng netizens sa komento ukol kay Awra: 'Si Awra nakipagsuntukan pero ikaw ang naka-mouthpiece'
NAG-SORRY ang social media personality na si Valentine Rosales matapos kuyugin ng mga netizens dahil sa pagbibigay komento sa nangyari kay Awra Briguela.

Matapos kasing mag-viral ang video ng pagkakasangkot ng dating child star sa gulo at ang paraan ng pag-aresto ng mga pulis sa kanya ay nagbigay ng kanyang opinyon ang social media personality.

“Ayan masyadong kasing matapang at nagmamalinis sa somed pero makalat sa totoong buhay, kaya mas ok yung madami galit sayo sa somed pero pag nakita ka sa personal sasabihin ang [bait] mo pala,” komento ni Valentine.

Agad naman itong kinuyog ng madlang pipol dahil sa muli na naman nitong pakikisawsaw sa isyu na hindi naman siya kasali.

“tama kana huy!! masyado kang praning na bakla kung wala kang magandang sasabihin manahimik ka nalang. i-glue gun ko yang bibig mo eh [Valentine],” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Next time paki close yung mouth mo hindi naman kasi kelangan ng opinion mo. Lalo na kung wala kang magandang sasabihin. Pinag tanggol na nga ni Awra yung kaibgan nya sya pa naging masama tapos pag hindi pinansin sya masama pa din. Grow up mi…”

Baka Bet Mo: Valentine Rosales nag-sorry kay Belle Mariano: Ang mali ko is mag-compare

“Atleast si @AwraBriguelaaa my ginawa para ipagtanggol yung friend niya eh ikaw?anong ginawa mo to protect cristine dacera?” sey ng isa pa.

Hirit pa ng isang netizen, “Si Awra nakipagbugbugan pero si valentine naka mouthpiece.”

Matapos ang natanggap na backlash mula sa publiko ay binura na niya ang naturang komento.

Kasunod nito ay naglabas si Valentine ng isang apology video dahil sa kanyang mga nasabi kay Awra.

“I’m really sorry, masyado akong nagsalita nang hindi ko pa alam ‘yung buong story.
Dinelete ko ‘yung comment ko and hindi na ako sasawsaw, magbabagong buhay na ako.

“I hope you find the best lawyers to help you na makaalis sa kulungan. Nalaman ko ‘yung reason behind that riot- it’s because pinagtatanggol mo ‘yung kaibigan mo, which is something that a true friend really does,” sey ni Valentine.

Pinayuhan pa nga siya ng ilan na sana’y magkaroon na ng character development dahil napapadalas na naman ang kanyang pagkakasangkot sa mga isyung walang kinalaman sa kanya.

Related Chika:
Friendship hugot ni Valentine Rosales: Balang araw kaibigan mo rin ang titira sa ‘yo sa likod, believe me masakit talaga!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Awra Briguela nadamay sa rambulan matapos ipagtanggol ang kaibigan, inaresto at pinosasan ng mga pulis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending