Valentine Rosales nag-sorry kay Belle Mariano: Ang mali ko is mag-compare | Bandera

Valentine Rosales nag-sorry kay Belle Mariano: Ang mali ko is mag-compare

Therese Arceo |April 20,2023
facebook
share this

Valentine Rosales nag-sorry kay Belle Mariano: Ang mali ko is mag-compare

Therese Arceo - April 20, 2023 - 08:14 PM

Valentine Rosales nag-sorry kay Belle Mariano: Ang mali ko is mag-compare

HUMINGI ng tawad ang social media personality na si Valentine Rosales sa Kapamilya actress na si Belle Mariano.

Matatandaang kamakailan ay naging kontrobersyal ang naging pahayag ng social media personality nang sabihin niyang hindi niya bet ang dalaga.

Kaya naman sa naging interview niya kay Ogie Diaz na mapapanood sa vlog ng huli ay nag-sorry si Valentine kay Belle.

Nilinaw rin niya kung ano ba talaga ang nais niyang ipahiwatig sa nag-trend niyang pahayag na “Ako lang ba di nakaka appreciate ng beauty ni Belle Mariano? Di ako nagagandahan sakanya eh, sorry pero mas gudto ko pa itchura ni Francine.”

Paliwanag ni Valentine, “Sabi ko parang hindi ko siya taste, hindi ko naappreciate yung beauty niya pero hindi ibig sabihin non, napapangitan ako sa kanya. Hindi lang siya ‘yung type ko…Na-misunderstand nila [kasi] kala nila sinasabi kong panget siyax

“Hindi naman siya panget. She’s beautiful in her own way. Hindi lang siya yung taste ko or yung type ko.”

Aminado naman si Valentine na mali ang kanyang ginawang pagkukumpara kay Belle sa iba pang artista.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz ipinagtanggol si Dennis Padilla: Hindi siya nanghihingi ng kahit singko

“Hindi ko naman siya kilala as a person, malay mo naman mabait yung ugali. Malay mo naman mabait na bata. Hindi ako iiwas sa kaniya. Gusto ko siya makilala as a person if ever. Mukha naman siyang mabait.

“Yun lang, nagsabi lang ako ng opinyon ko about her na sa ka-age niya, sa mga ka-group levels niya like sila Francine, si Andrea, si Alexa Ilacad. Sabi ko, ang pinaka-type kong itsura diyan [ay] si Francine,” pagbabahagi ni Valentine.

“Pero ang mali ko don is kinompare…parang gusto kong puriin yung isa na nag-compare pa ako ng isang tao,” dagdag pa nito.

Kasabay nito ay humingi na rin ng tawad si Valentine sa dalaga.

“If ever mapanood to ni Belle Mariano or what, gusto ko mag… if na-offend ko siya, I want to apologize kasi you have your own beauty, may sarili kang kagandahan, mabait yung ugali mo. Hindi naman sa itsura lang ng tao yung kagandahan, sa overall yan, sa appeal, sa lakas ng dating, sa ganda ng manners,” sey pa niya.

Matatandaang talagang kinuyog ng mga netizens at mga fans ni Belle si Valentine at talgang nilait ito mula ulo hanggang paa dahil sa komento nito sa kanilang idolo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Resbak ni Valentine Rosales sa fans ni Belle Mariano: ‘Hindi ko sinabi na pangit siya ang sabi ko, ‘di ko lang na-appreciate yung beauty niya’

Friendship hugot ni Valentine Rosales: Balang araw kaibigan mo rin ang titira sa ‘yo sa likod, believe me masakit talaga!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending