Resbak ni Valentine Rosales sa fans ni Belle Mariano: 'Hindi ko sinabi na pangit siya ang sabi ko, 'di ko lang na-appreciate yung beauty niya' | Bandera

Resbak ni Valentine Rosales sa fans ni Belle Mariano: ‘Hindi ko sinabi na pangit siya ang sabi ko, ‘di ko lang na-appreciate yung beauty niya’

Ervin Santiago |April 09,2023
facebook
share this

Resbak ni Valentine Rosales sa fans ni Belle Mariano: ‘Hindi ko sinabi na pangit siya ang sabi ko, ‘di ko lang na-appreciate yung beauty niya’

Ervin Santiago - April 09, 2023 - 07:13 AM

Resbak ni Valentine Rosales sa fans ni Belle Mariano: 'Hindi ko sinabi na pangit siya ang sabi ko, 'di ko lang na-appreciate yung beauty niya'

Valentine Rosales at Belle Mariano

NAKATIKIM ng masasakit na salita ang social media personality na si Valentine Rosales mula sa mga fans ni Belle Mariano pati na rin sa mga tagasuporta ni Donny Pangilinan.

Ito’y dahil sa tweet ni Valentine patungkol sa itsura ni Belle – hindi raw niya bet ang beauty ng dalaga. Mas nagagandahan pa raw siya sa isa pang Kapamilya youngstar na si Francine Diaz.

“Ako lang ba di nakaka-appreciate ng beauty ni Belle Mariano? Di ako nagagandahan sa kaniya eh, sorry pero mas gusto ko pa itchura ni Francine,” ang buong tweet ni Valentin.


Kasunod na nga nito ang pamba-bash sa kanya ng fans ng DonBelle fans kasabay ng panlalait sa itsura niya. Talagang pinakain siya ng masasakit at maaanghang na salita ng mga fans nina Belle at Donny.

Baka Bet Mo: Pokwang sa mga nagsasabing pangit sila ni Melai Cantiveros: Kailan namin sinabing maganda kami?

Hindi naman ito basta pinalampas ni Valentin at bumuwelta rin sa kanyang bashers. Ipinagdiinan ng socmed personality na never niyang sinabing pangit o hindi maganda si Belle.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Valentine Rosales (@valentinersls)


“Jusko mahal na araw. Hindi ko sinabi na pangit siya ang sabi ko di ko lang na appreciate yung beauty niya, porket di nagagandahan assume niyo pangit agad?

“Beauty is in the eye of the beholder maaaring maganda sa inyo sakin hindi sakto lang. Kanya kanya tayo ng taste! Twitter ko yun, I tweet what’s on my mind,” ang nakasaad sa Facebook ni Valentin.

Dagdag pa niya, “Wag niyo ko mandohan ng gagawin ko dahil wala naman kayo ambag sa buhay ko, wala nga ako pekelam sa opinion niyo about sakin kaya wag kayo mangelam. We are all entitled to our own opinion.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito, wala pang reaksyon ang kampo ni Belle Mariano.

Friendship hugot ni Valentine Rosales: Balang araw kaibigan mo rin ang titira sa ‘yo sa likod, believe me masakit talaga!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kapatid ni AJ Raval viral na rin dahil sa blind item tungkol sa ‘rapper at pangit na cheater’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending