Karla Estrada umalma sa basher na nagkukumpara sa pamilya niya at sa pamilya ni Donny Pangilinan: Dito ka ba naninirahan sa pamamahay ko? | Bandera

Karla Estrada umalma sa basher na nagkukumpara sa pamilya niya at sa pamilya ni Donny Pangilinan: Dito ka ba naninirahan sa pamamahay ko?

Therese Arceo |December 18,2022
facebook
share this

Karla Estrada umalma sa basher na nagkukumpara sa pamilya niya at sa pamilya ni Donny Pangilinan: Dito ka ba naninirahan sa pamamahay ko?

Therese Arceo - December 18, 2022 - 01:36 AM

Karla Estrada umalma sa basher na nagkukumpara sa pamilya niya at sa pamilya ni Donny Pangilinan: Dito ka ba naninirahan sa pamamahay ko?
PUMALAG ang TV host at ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada sa isang basher na nagsabing “problematic” at “chaotic” raw ang kanilang pamilya.

Inihalintulad pa nga ng basher ang kanyang pamilya sa pamilya ng isa sa mga kinakikiligang Kapamilya leading man na si Donny Pangilinan.

“Si DJ, cheater, si Donny, hindi. Yung nanay ni DJ, problematic. yung nanay ni Donny, hindi. si DJ, chaotic yung fam. si Donny, complete and happy family. Gusto n’yo talaga mag-compare? Okay,” sey ng basher na tila ikinainit ng dugo ni Karla.

Ni-retweet nga ito ng dating “Magandang Buhay” host at sinagot ang mga negatibong pahayag ng netizen.

“Huh? Saan galing ang mega judgment na ito? Dito ka ba naninirahan sa pamamahay ko? At akala mo alam mo lahat?!?” saad ni Karla.

Pagpapatuloy pa niya, “Mag hunos dili ka huy . Maka-problematic at chaotic ito?? Hala inday pagtarong diha! Wag mandamay ng pamilya, panget yun.”

Maging ang mga fans ng KathNiel ay to the rescue sa taong bumabatikos sa pamilya ni Karla.

“Cheater? Naka-isang dekada na nga sila ng nobya niya. Attitude? 11 years in showbizness but still on top. Came from a broken fam? At least nabigyan niya ng magandang buhay pamilya niya.

“Few of the many reasons why Daniel/ KathNiel is worth stanning. So ‘yung mga kuda n’yo about sa kaniya/kanila, keep it for yourself na lang kasi we don’t care,” mahabang talak ng netizen kalakip ang ilang mga larawan ng KathNiel pati na rin ang family picture nina DJ.

Pinasalamatan naman ni Karla ang fan at sinabing, “Salamat. Lahat ng family ay broken kapag hindi nagkakasundo. Hindi lamang dahil hiwalay ang magulang. Importante ay mapalaki ang mga anak na hindi bastos at mapagkumbaba.”

Muli pa nga itong nag-tweet at pinaalalahan ang mga followers patungkol sa panghuhusga sa ibang tao.

Sey ni Karla, “Walang mali sa iba.. ang Mali Ay nasayo kung paano mo tratuhin at tingnan ang kapwa mo. Wag tayong manghusga lalo na at Hindi natin alam ang pinagdaanan ng iba. Pilitin natin maging mabuti Kahit minsan mahirap mag timpi. Masarap sumaya at Libre pa.”

Related Chika:
Karla Estrada lumaki na raw ang ulo, hindi na nakakaalala sa mga tumulong sa kanya noon?

Karla Estrada umalma sa post ng netizen, ipinagtanggol si VP Leni

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Karla Estrada magbabalik sa pag-aaral: Nothing is too late

Regine Velasquez tinupad ang wish ni Karla Estrada: ‘Thank you idol! Love you!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending