Pokwang sa mga nagsasabing pangit sila ni Melai Cantiveros: Kailan namin sinabing maganda kami? | Bandera

Pokwang sa mga nagsasabing pangit sila ni Melai Cantiveros: Kailan namin sinabing maganda kami?

Therese Arceo |April 01,2022
facebook
share this

Pokwang sa mga nagsasabing pangit sila ni Melai Cantiveros: Kailan namin sinabing maganda kami?

Therese Arceo - April 01, 2022 - 08:23 PM

Pokwang sa mga nagsasabing pangit sila ni Melai Cantiveros: Kailan namin sinabing maganda kami?

BUMWELTA ang Kapuso actress-comedienne na si Pokwang o Marietta Subong sa totoong buhay sa kanyang mga bashers na tumatawag sa kanyang “pangit”.

Sa kanyang Twitter account ay idinaan na lamang niya sa pagbibiro ang sagot sa mga bashers na pilit siyang iniimbyerna.

Hindi pa nga nakuntento ang ibang bashers sa panlalait kay Pokwang kaya idinamay rin nito ang Kapamilya TV host-comedienne na si Melai Cantiveros.

Aniya, never naman daw niyang sinabi na pretty siya.

Tweet ni Pokwang, “bashers: Ang pangit mo Pokwang! kayo ni Melai pangit nyo! Me: kailan namin sinabing maganda kami? Kailaannn????”

Dagdag pa niya, nabiktima na naman daw ng fake news ang bashers kung sakali.

“Kung may sinabi kaming maganda kami, pwes! na FAKE NEWS NANAMAN KAYO!!! Gusto nyo yan e,” sey ni Pokwang.

 

 

Sa comment section naman ay makikitang nag-reply si K Brosas sa tweet ng matalik na kaibigan.

Kwento ni K, maski siya ay binabatikos ng mga bashers at sinasabing laos na raw siya.

“lol! haaay! meron din ilan na nagsasabi na ‘laos ka laos!’ ehhh kelan ko ba sinabi na sikat ako?! kelaaaaaan??! hehe labyu!”

Reply naman ni Pokwang, “sikat ka bff para sakin at mga nagmamahal sayo.”

 

 

Bukod kay K ay marami pang netizens ang nagbigay suporta at nag-comment sa tweet ng komedyana.

“Sila po talaga yung pangit Ms. Pokwang. Yaan nyo na. Ay sorry, pasmado bibig ko,” saad ng isang netizen.

Sey naman ng isa, “If you think hindi ka maganda sa pamantayan at mata ng mga tao, I know you are beautiful in the eyes of God. And the people who know what kind of person you are, kayo ni Melai at lahat ng komedyante na sa palagay nyo hindi kayo maganda dahil may standards ang madla. God bless you.”

“Ang totoong panget ay yung mga dumidepensa sa mga magnanakaw. Yun lang yun. Maganda kayo ni Melai auntie,” hirit naman ng isa.

Hindi naman kaila na kaya patuloy ang pambabash na natatanggap ng mga actress-comedienne ay dahil sa kanilang kandidatong sinusuportahan.

Pare-parehas kasing “kakampink” sina Pokwang, Melai, at K at ang sinusuportahan nito para sa paparating na national elections ay ang tambalang Leni-Kiko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Sino kaya ang pinapatamaan ni Pokwang na inaakala niyang ‘mabait’ pero hindi pala?

Pokwang ‘beast mode’ sa mga anti-Leni: Hindi ako takot mawalan ng followers, takot akong mawalan ng dangal!

Melai Cantiveros tinawag na ‘magnanakaw’ ng isang netizen, pati pamilya dinamay: Ipapahanap kita!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending