Melai Cantiveros tinawag na 'magnanakaw' ng isang netizen, pati pamilya dinamay: Ipapahanap kita! | Bandera

Melai Cantiveros tinawag na ‘magnanakaw’ ng isang netizen, pati pamilya dinamay: Ipapahanap kita!

Therese Arceo |March 26,2022
facebook
share this

Melai Cantiveros tinawag na ‘magnanakaw’ ng isang netizen, pati pamilya dinamay: Ipapahanap kita!

Therese Arceo - March 26, 2022 - 07:18 PM

Melai Cantiveros tinawag na 'magnanakaw' ng isang netizen, pati pamilya dinamay: Ipapahanap kita!

ISANG netizen ang pinaghahahanap ngayon ng TV host-comedienne na si Melai Cantiveros.

Ito ay matapos na pgmumurahin ng netizen ang Kapamilya star at pagbantaan ang mga anak nito sa social media.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi ni Melai ang larawan ng naturang netizen na may Facebook name na Sugar Miquelon.

Isinama rin niya ang screenshot ng mga comments nito kung saan hindi kaaya-aya ang mga sinabi nito patungkol sa komedyante gaya ng magnanakaw, pangit, at p*ta ng lipunan. Pati nga ang kanyang ina ay hindi nito pinalagpas.

Comment ng netizen sa post ni Melai, “Sarap kumain ng galing sa nakaw. Sumpain mga anak mo g*ga. Boycott products [na] endorse ni Melai. Isa itong magnanakaw. Pinalaki sa nakaw ng mga magulang. Isa itong p*ta ng lipunan. Ano, pangit??? Nagmamalinis kang hayop ka. Nanay mo magnanakaw g*ga. Pinalaki ka sa pagnanakaw ng ina mo.

“Ano???? Magnanakaw si Marcos pa more. Makita pang namin kayo sa labas kahit kasama mo mga anak mo, p*t*ng ina kang pangit ka. Mamatay na sana mga anak mo. Isusumpa ko yan.”

 

Sa isang comment pa nito ay pinuntirya naman nito ang mga anak ni Melai.

“Mamamatay batang ito pinalaki sa pagnanakaw. Hahaha. Sumpain pamilya mo pangit. Magnanakaw si Marcos???? Nanay mo ang magnanakaw g*ga.”

Agad namang humingi ng tulong si Melai sa mga netizens na maaaring nakakakilala sa naturang netizen.

“Nananawagan po ako kung nasaan ang taong ito nang masampahan ng nararapat [na] legal na aksyon. Paki-PM po ako. Maraming salamat,” saad ng Kapamilya TV host-comedienne.

Dagdag pa ni Melai, “[Sana] matigil na ang mga pangha-harass na ito at para sa ‘yo na nasa picture na yan, papahanap kita kahit saan ka man, Tandaan mo yan.”

Nanawagan rin ng tulong ang Kapamilya star sa mga lawyers for Leni.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Melai Cantiveros – Francisco (@mrandmrsfrancisco)

Nagsimulang makatanggap ng mga hindi magagandang komento si Melai matapos ang kanyang viral statement sa nagdaang Leni-Kiko sortie sa Pasig.

“Ayaw natin sa magnanakaw. Walang may gusto ng magnanakaw. Kung may record ng pagnanakaw, ekis na agad sa gobyerno,” saad ni Melai.

Dagdag pa nito, “Lalo na ‘pag hindi nagsoli, alam mong magnanakaw ulit. Charot! Char char lang!”

Bagama’t walang binanggit na pangalan ay marami agad ang nag-react sa naturang statement at iniugnay agad ito sa isa pang presidential candidate na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nilait si Melai ng mga netizens dahil sa kanyang pinaniniwalaang kandidato pero sumosobra na ang mga netizens kaya nais nang gumawa ng legal na hakbang ng TV host-comedienne.

 

Related Chika:
Eleksyon hugot ni Melai kinagiliwan ng netizens: Kapag hindi nagsauli, alam mong magnanakaw ulit! Charot!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending