Ogie Diaz ipinagtanggol si Dennis Padilla: Hindi siya nanghihingi ng kahit singko | Bandera

Ogie Diaz ipinagtanggol si Dennis Padilla: Hindi siya nanghihingi ng kahit singko

Therese Arceo |September 24,2022
facebook
share this

Ogie Diaz ipinagtanggol si Dennis Padilla: Hindi siya nanghihingi ng kahit singko

Therese Arceo - September 24, 2022 - 02:46 PM

Ogie Diaz ipinagtanggol si Dennis Padilla: Hindi siya nanghihingi ng kahit singko
DINIPENSAHAN ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz patungkol sa opinyon ng social media personality na si Valentine Rosales sa isyu ng mag-amang sina Dennis Padilla at Julia Barretto.

Sa kanyang latest vlog ay kinontra niya ang mga pahayag ni Valentine na”biglang present” na raw si Dennis sa buhay ni Julia dahil sikat na ito.

“Itong si Valentine, hindi niya alam ang kanyang sinasabi. Anak, hindi mo sila lubusang kilala,” saad ni Ogie.

Pagpapatuloy niya, “Walang hinahabol si Dennis. Gusto lang niyang makausap ang kanyang mga anak. Gusto n’ya lang mabalik ang dati nilang relasyon na napaka-close noong sila pa ni Marjorie.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dennis Padilla (OFFICIAL IG) (@dennisastig)

Chika ni Ogie, naninibago nga raw ang actor-comedian dahil lahat ng mga anak niya ay parang iisa na raw ang pag-uugali.

Iginagalang naman daw ng talent manager ang opinyon ni Valentine ngunit mali ito kaya itinatama niya.

“Hindi siya nanghihingi ng kahit singko… ‘Yung nanghihingi na ‘yan, sa totoo lang, ‘yung interview namin ni Dennis… isa sa mga anak ni Dennis [ay] kinuwestiyon siya. ‘Bakit ka nagpa-interview kay Ogie? For the money?’

“Magkamatayan na, wala pong tinanggap si Dennis Padilla sa akin ni singko. And to be honest with you all, binibigyan ko po si Dennis dahil naramdaman ko ‘yung stuggle n’ya with his kids at hindi naman karamihan ang raket niya… Pinipilit namin kay Dennis ‘yung ibinibigay namin, ayaw ni Dennis,” paglalahad ni Ogie.

Kaya wala raw talagang katotohanan na dahil sa pera kaya naghahabol ang komedyante sa kanyang mga anak.

Naikuwento pa ni Ogie ang ibinigay na townhouse ni Dennis kina Marjorie upang may matirhan ang mga ito.

“Naghahanap lang ng atensyon si Dennis mula sa kanyang mga anak. Mahal niya ang kanyang mga anak kaya hindi natin siya masisi kung bakit pino-post niya ang kanyang ibang anak na nami-miss niya,” sey ng talent manager.

Hiling naman ni Ogie na sana ay magkausap na rin ang mag-aama at magkaayos.

Related Chika:
Ogie Diaz lusot sa cyber libel case: Pero sad ako for Enchong kaya sana maayos…

Dennis umalma sa interview ni Karen kay Julia: Sobra kayo…ano pa bang revenge ang gusto n’yong gawin?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Claudine kay Dennis: Kuya Tama na, tumigil ka na please! Sumusobra ka na!

Dennis Padilla humirit uli kay Julia Barretto: ‘Pareho kami, hindi pa rin ako ready na patawarin siya…’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending