Ogie Diaz lusot sa cyber libel case: Pero sad ako for Enchong kaya sana maayos... | Bandera

Ogie Diaz lusot sa cyber libel case: Pero sad ako for Enchong kaya sana maayos…

Reggee Bonoan |January 03,2022
facebook
share this

Ogie Diaz lusot sa cyber libel case: Pero sad ako for Enchong kaya sana maayos…

Reggee Bonoan - January 03, 2022 - 05:06 PM

Ogie Diaz

NAG-HOST ng birthday lunch ang vlogger cum talent manager na si Ogie Diaz kaninang tanghali sa Tiger Winx restaurant sa Panay Avenue, Quezon City para sa mga kaibigan niyang taga-media.

Dito, hiningan namin ng reaksyon si Ogie tungkol sa kasong cyber libel na isinampa laban sa aktor na si Enchong Dee ni Drivers United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER) Rep. Claudine Diana Bautista-Lim mula sa Davao City.

Isa rin si Ogie sa nagbigay ng opinyon niya tungkol sa marangyang kasalan ni Rep. Claudine at ng asawang si Ginoong Jose Lim lll na ginanap sa Balesin Island noong nakaraang taon.

Pero naklaro ang pangalan ng vlogger-talent manager pati na sina  Agot Isidro at Pokwang sa nasabing kaso dahil hindi raw maituturing na paninirang-puri ang mga post nila tungkol sa engrandeng wedding dahil inihayag lamang ng mga ito ang kanilang opinyon.

Ayaw na sanang magbigay ng reaksyon ni Ogie pero na-corner na namin siya.

“Siyempre lahat kami nasampahan ng kaso pero nagkataon lang siguro ‘yung amin (kasama sina Pokwang at Agot) medyo simple kaya nabasura,” bungad ng birthday celebrator.

Aminado si Ogie na hindi niya tinalakay ang kaso sa kanyang YouTube channel dahil kapwa niya vlogger at artista si Enchong na siyang tanging nasampahan ng kaso.

“Kaya hindi ko dini-discuss ito sa YouTube ko kasi ‘yung kasamahan namin parang… masarap magbunyi kung lahat kayo panalo.  Magbubunyi ka tapos ‘yung isang kasama mo, nandoon pa rin siya.

“Siyempre sad ako for Enchong pero sana maayos, sana ganu’n din ang kalabasan ng tulad sa amin.

“Pero hindi pa tapos (yung sa kanila nina Agot at Pokwang) kasi depende na lang kung may aapela,” paliwanag ni Ogie.

Sa kasalukuyan ay hindi pa raw niya nakakausap si Enchong tungkol sa nasabing kaso. Hindi rin daw niya kakilala si Congw. Claudine kaya wala siyang paraan para makausap din ito.

Pero aniya, lesson-learned na rin sa kanya ang nangyaring lalo’t mahilig magbigay ng opinyon niya si Ogie sa kanyang social media accounts bukod pa sa YT channel nitong “Showbiz Update” kasama sina Mama Loi, Mrena, Dyosa Pockoh at Tita Jegs.

“Oo naman lesson learned to all of us na kahit alam mo sa sarili mo na hindi naman libelous o ano, e, meron naman palang masasaktan sa naging opinyon ko,” pahayag niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Baka raw kasi sa iba ay sumobra na ang opinyon ni Ogie sa mga bagay-bagay pero sa kanya ay hindi pa kaya kaagad naman siyang humihingi ng dispensa sa mga taong sa tingin niya ay nasaktan niya tulad ni Marvin Agustin na talagang pinaglaanan niya ng oras sa vlog tungkol sa cochinillo nito at sinabing hindi rn siya nasarapan.

Ogie Diaz handang mag-sorry kay Marvin: Kung sasabihin niyang na-offend siya…bakit hindi?

Long Mejia naisahan na naman si Ogie Diaz

Ogie pinagbigyan ang hiling ng kaibigan: Ako na po ang manager ni Aiko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending