Claudine kay Dennis: Kuya Tama na, tumigil ka na please! Sumusobra ka na! | Bandera

Claudine kay Dennis: Kuya Tama na, tumigil ka na please! Sumusobra ka na!

Ervin Santiago |September 19,2022
facebook
share this

Claudine kay Dennis: Kuya Tama na, tumigil ka na please! Sumusobra ka na!

Ervin Santiago - September 19, 2022 - 02:37 PM

Dennis Padilla, Claudine at Julia Barretto

HINDI na nakapagpigil ang aktres na si Claudine Barretto sa ginagawang pagsasalita ni Dennis Padilla patungkol sa kanyang mga anak, lalo na kay Julia Barretto.

Sa pamamagitan din ng social media, nakiusap ang tita ni Julia at ng iba pang anak ni Dennis na sana’y tigilan na nito ang pagpo-post hinggil sa personal na pinagdaraanan ng kanilang pamilya.

Ito’y matapos ngang mag-react si Dennis sa mga pinagsasabi ni Julia sa panayam ng news anchor na si Karen Davila na mapapanood sa YouTube channel nito.

Sey ni Claudine, maawa naman daw ang komedyante sa mga anak nitong sina Julia, Leon at Claudia pati na rin sa panganay ni Marjorie Barretto na si Dani.

“Kuya Tama na! Tumigil ka na pls! Sumusobra ka na! Maawa ka sa mga bata. Pls stop! Mag-usap tayo,” ang mensahe ni Claudine at itinag pa niya ang Instagram account ni Dennis.

Sa ngayon ay burado na ang IG post ni Claudine pero wala pa kaming nababasang sagot dito ni Dennis.

Naglabas ng sama ng loob si Dennis sa pamamagitan ng sunod-sunod niyang hugot post sa Instagram matapos nga niyang mapanood ang panayam interview ni Karen kay Julia.

View this post on Instagram

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto)


“Ako ang dapat takbuhan mo Julia…. I defended you pero nagalit pa kayo sa akin… Sobra kayo…. Ano etong mga kwento mo kay Karen?? @genepadillaaaa @jenny_ontheblock @juliabarretto @Claudia @danibarretto,” ani Dennis.

Aniya pa, “Ang buong bahay ko… ang halaga katumbas lang ng isang kotse mo Julia… ano pang revenge ang gusto n’yong gawin?

“Lahat ng blessings nasa inyo na… humingi ako ng apology sa mga pagkukulang ko… ano pa gusto n’yo?…. pati kay Gerald (Anderson) humingi ako ng apology… ano pa?” ang pahayag pa ng komedyante.

View this post on Instagram

A post shared by Dennis Padilla (OFFICIAL IG) (@dennisastig)


Sa isang IG post ni Dennis, nabanggit pa niya ang yumaong amang si Dencio Padilla at ang inang si Catalina Baldivia. Palagi ras kasi niyang naririnig ang mga katagang “mabuti na lang daw at namana ng mga anak niya ang itsura ng mga Barretto.”

Sabi ni Dennis sa caption ng mga ipinost niyang litrato ng mga magulang, “Si Dencio Padilla a.k.a. Esteban Baldivia… Lolo mo ‘yan… siya owner ng apelyido natin Julia, Claudia at Leon… Pati si Dani ginamit ‘yan noong maliit pa siya… Pati sa school… fyi po….@juliabarretto @Claudia @danibarretto @theleonbarretto.

“Lagi n’yong sinasabi na maganda ang lahi n’yo… bakit pangit ba Lola Lina n’yo??? Helloooo!!!! Kalahati ng dugo n’yo… amin galing.

“Si Catalina Dominguez Baldivia… mother ko po… lola nila Julia, Claudia at Leon… pangit ba siya???” ang sabi pa ng komedyante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala pang reaksiyon si Julia at ang mga kapatid sa mga naging pahayag ni Dennis.

Julia Barretto hindi pa rin nakakausap si Dennis Padilla: There’s just so much fear inside me

Hugot ni Claudine tungkol sa taong ‘sinungaling’, ‘ipokrita’ para nga kaya kay Julia?

Cristy Fermin hiniling na huwag silang pag-awayin ni Lolit Solis: Hindi kami mga manok panabong

Beatrice Gomez muling nanawagan ng tulong para sa mga biktima ni Odette: We cannot make them wait

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending