Dennis Padilla humirit uli kay Julia Barretto: 'Pareho kami, hindi pa rin ako ready na patawarin siya...' | Bandera

Dennis Padilla humirit uli kay Julia Barretto: ‘Pareho kami, hindi pa rin ako ready na patawarin siya…’

Ervin Santiago |September 20,2022
facebook
share this

Dennis Padilla humirit uli kay Julia Barretto: ‘Pareho kami, hindi pa rin ako ready na patawarin siya…’

Ervin Santiago - September 20, 2022 - 02:02 PM

Julia Barretto at Dennis Padilla

IT’S a tie! Kung hindi pa handang patawarin ni Julia Barretto ang amang si Dennis Padilla ay ganu’n din daw ang nararamdaman ng komedyante para sa kanyang anak.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, muling naglabas ng sama ng loob si Dennis sa mga pinagsasabi ni Julia laban sa kanya sa YouTube vlog ni Karen Davila.

Dito, sinabi nga niya na tulad ng naging pahayag ni Julia, hindi pa rin daw siya ready na patawarin ang anak sa mga pinagsasabi nito laban sa kanya.

Nag-post ang veteran comedian sa IG ng throwback photo nila ng anak kung saan mababasa ang caption na, “Pareho kami… Di pa rin ako ready patawarin si Julia.”

View this post on Instagram

A post shared by Dennis Padilla (OFFICIAL IG) (@dennisastig)


Pero agad din itong binura ni Dennis matapos makatanggap ng mga negatibong reaksyon mula sa mga netizens. Marami rin ang nakapag-screenshot nito kaya mabilis ding kumalat sa social media.

Nauna nang sinabi ng girlfriend ni Gerald Anderson na hindi naman imposible na magkaayos muli sila ng ama, “Hindi ko ipagkakait ang forgiveness but I’m just not ready. There’s just been so much pain over the years since I was young, so parang I got tired of the same thing.

“It’s not difficult for us to forgive, but it’s difficult to really just…it’s not the forgiveness, it’s to forget.

“But there’s just a lot of fear because I don’t know what’s going to happen. But forgiveness, of course, definitely, that’s for my own peace of mind, di ba?” paliwanag ni Julia.

Nang mapanood nga ni Dennis ang vlog ni Karen, agad siyang nag-post sa socmed ng, “Ako ang dapat takbuhan mo Julia…. I defended you pero nagalit pa kayo sa akin… Sobra kayo… Ano etong mga kwento mo kay Karen??

“Ang buong bahay ko… Ang halaga katumbas lang ng isang kotse mo Julia. Ano pang revenge ang gusto niyong gawin? Lahat ng blessings nasa inyo na.

“Humingi ako ng apology sa mga pagkukulang ko.. Ano pa gusto nyo?… .. Pati kay Gerald humingi ako ng apology… Ano pa?” hugot pa ni Dennis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasunod nito, pumagitna naman ang tiyahin ni Julia na si Claudine Barretto at nakiusap na rin kay Dennis, “Kuya, tama na. Tumigil ka na please! Sumusobra ka na! Maawa ka sa mga bata. Please stop! Mag-usap tayo.”

Daniel sa pagpapakasal kay Kathryn: Ready na ako

EA Guzman sa relasyon nila ni Shaira Diaz: Ready na ako to settle down pero…

Barbie Forteza ready nang magpakasal kay Jak Roberto sa isang kundisyon…

Faith da Silva desidido nang lumaban sa beauty pageant; umaming wala pa ring dyowa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending