Dennis umalma sa interview ni Karen kay Julia: Sobra kayo...ano pa bang revenge ang gusto n'yong gawin? Bandera

Dennis umalma sa interview ni Karen kay Julia: Sobra kayo…ano pa bang revenge ang gusto n’yong gawin?

Ervin Santiago |September 18,2022
share this

Dennis umalma sa interview ni Karen kay Julia: Sobra kayo…ano pa bang revenge ang gusto n’yong gawin?

Ervin Santiago - September 18, 2022 - 10:17 AM

Julia Barretto at Dennis Padilla

INALMAHAN ng veteran comedian na si Dennis Padilla ang mga rebelasyon ni Julia Barretto sa YouTube vlog ni Karen Davila.

Hindi nagustuhan ng aktor ang mga pinagsasasabi ng anak sa panayam ni Karen kaya naman sa kanyang Instagram account, agad siyang naglabas ng saloobin para kuwestiyun si Julia.

Ayon kasi kay Julia, hindi pa niya kayang papasukin muli sa kanyang buhay ang ama, “Di ba nga, sa commandments, the Bible, no matter what happens, they’re your parent. 

“So, I always ask God, I always ask him, ‘You know, a parent is a parent and I’m only just a child, but at the same time, saan yung boundary na a child is also allowed to get hurt and have their own pains?’

“And I just need more love from him, I think. I just need more love, more protection. I just feel, like, he should be my number one protector, and that’s not really what I’m getting right now from him, so it does hurt.

“It does hurt because dapat siya yung tinatakbuhan ko, di ba? But, it’s sad that I can’t. So, I pray for it. Like, ‘God, can you forgive me even if, like, right now, hindi pa okay lahat?’” aniya pa.


“I won’t lie, I mean, he’s tried. I’m just really not ready and ayokong… I don’t wanna force myself also. Because if you force yourself, then it’s not genuine, hindi siya totoo. So, I wanna get to a point na when we speak, it’s when I’m ready,” sabi pa ng girlfriend ni Gerald Anderson.

Kasunod nga nito, nag-post si Dennis ng litrato niya kasama ang mga anak kay Marjorie Barretto na may caption na, “@iamkarendavila… Pls be fair to all… You need to interview me… Maraming mali sa alam ni julia… Waiting sa reply mo ty.” 

Inulit pa niya ito sa isa pang post, “@iamkarendavila… You better interview ME… para di one sided…. Wag ganun!!!”

Sinagot naman ito ni Karen ng, “Good Morning Dennis! Just saw this…. text you back just now.”

Nauna rito, nagbahagi ang komedyante ng mga picture kung saan isa-isa niyang kasama ang mga anak. Mensahe ni Dennis, “Ako ang dapat takbuhan mo julia…. I defended you pero nagalit pa kayo sa akin… Sobra kayo…. Ano etong mga kwento mo kay karen??”

Sinunda pa niya ito ng, “Ang buong bahay ko… Ang halaga katumbas lang ng isang kotse mo julia… Ano pang revenge ang gusto niyong gawin? 

“Lahat ng blessings nasa inyo na… Humingi ako ng apology sa mga pagkukulang ko.. Ano pa gusto nyo?…. Pati kay gerard humingi ako ng apology… Ano pa?

“Nu’ng pinatatanggal nyo apelyido ko… Humingi ba kyo ng apology????” ang himutok pa ni Dennis sa mga anak kay Marjorie.

Narito naman ang mga nabasa naming reaksyon ng netizens sa hugot ni Dennis bilang ama.

“@iamkarendavila you should interview or ask Gretchen Barretto how Dennis was as a father.”

“@iamkarendavila Para mas fair at may konting twist po, kay @kaladkaren naman po kayo magpainterview, Mr. Dennis.”

“True nasa nanay yan brain wash ang anak kung ano ang gusto imahe ng ama un ang ihuhulma sa utak ng mga bata… Galit sa ama gusto nila pati ang anak ganun din ang maramdaman sa ama nila walang peace of mind kawawa at ang gulo haha.”

“Yung pinapalitan nila apelyido nila Julia red flag na yun ! So disrespectful.”

“Parang bata ka sir pag may sinabi mga anak mo na hindi pabor sayo nagrerebat ka, kaya nga siguro ayaw sayo ng mga anak mo kasi toxic kang tatay.”

“May movie kasi si Julia para pagusapan, artista k nga Julia kahit ano man pagkukulang ng ama m ama m pa din yan.”

“Wag na ms. Karen paninira lang nanaman sa mga anak nyan sasabihin nya kalalakeng tao maputak anak mo pa mandin mga yan.”

“Keep it strong Dennis. Walang anak na nagtatagumpay Pag tinalikuran nila Ang magulang. Kahit anong sama mo o mabuti mahalin ka nila dahil ama ka nila.”

“Consequence po ang tawag dyan pag hinayaan mo masira mo ang pamilya nyo. It’s painful for the children . Parang ineexpect mo na dapat walang maramdaman sila Julia.”

“Wawa naman si tatay Dennis parang Di sya minahal ng mga anak nya. Sana maayos nyo po ang problem on both sides.”

“Siguro Sir Dennis kung marami ka pera dika nila gaganyanin. lumaki na mga ulo ng mga anak mo dahil May mga pera na sila pinalaki din May galit sau.”

“@dennisastig feel sad po ng mapanuod ko po yun interview ni Karen Kay Julia pag dasal nyo n Lang po ang mga anak ninyo. Kaya ganya silang lahat iba Kasi pinamukha at sinasabi ng mother nila.”

Julia Barretto hindi pa rin nakakausap si Dennis Padilla: There’s just so much fear inside me

Dennis kay Gerald: Mas maipakikita mong mahal mo si Julia kung irerespeto mo ‘yung tatay niya

Xian Gaza tinalakan si Dennis Padilla: Yung Father’s Day greeting ay hindi hinihingi sa mga anak, ine-earn yan

Bakit nga ba maraming Pinoy ang bumoto kay Robin Padilla para maging senador?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending