Raffy Tulfo sinupalpal ang 'pagdi-discriminate' ng Makati Chief of Police kay Awra: Mali ka d'yan, sir... huwag ganoon | Bandera

Raffy Tulfo sinupalpal ang ‘pagdi-discriminate’ ng Makati Chief of Police kay Awra: Mali ka d’yan, sir… huwag ganoon

Therese Arceo - June 30, 2023 - 05:47 PM

Raffy Tulfo sinupalpal ang 'pagdi-discriminate' ng Makati Chief of Police kay Awra: Mali ka d'yan, sir... huwag ganoon
NAKIPAG-UGNAYAN ang senador na si Raffy Tulfo sa Makati Police Station hinggil sa lagay ng artistang si Awra Briguela na kasalukuyang naka-detain matapos masangkot sa isang gulo sa Poblacion, Makati.

Sa kanyang programang “Wanted Sa Radyo” ay nakausap ng senador ang Chief of Police ng Makati City Police Station na si P/Col. Edward Cutiyog.

Bagamat naiintidihan ni Tulfo na trabaho ng kapulisan ang pagsasaayos sa lugar at arestuhin ang mga taong sangkot sa rambulan ay tinanong nito kung kasama ba sa kanilang mga inaresto ang mga kalalakihan na nang-harass sa mga kaibigan ni Awra.

Paglalahad ng pulis, wala raw silang natanggap na reklamo patungkol sa naganap na panghihipo at base raw sa imbestigasyon nila ay nagsasayawan raw sa loob ng bar ang dalawang kampo at noong medyo tipsy na ito ay nilapitan niya ang complainant.

“Noong medyo nakainom na itong si Awra, pinuntahan itong victim at pinipilit itong hubaran para matignan ang katawan… Noong nasa harap na sila ng establishment bar na iyon ay sinundan sila ng grupo led by Awra and then pinagpupunit ang kanilang damit. And then sinira siya, and then nahulog, and then pinagtatadyakan ng ibang kasamahan. Yun po ang nangyari,” paglalahad ng pulis.

Tinanong naman ni Tulfo kung ano ang dahilan kung bakit magiging agresibo si Awra para paghubarin ang isang lalaki.

Sagot ng chief of Police ng Makati Police Station, “E alam mo naman, si Awra is gay. Gusto niyang makita ‘yung magandang katawan.”

Baka Bet Mo: Maegan Aguilar muling bumanat kay Raffy Tulfo: ‘Sa ’yo na pera mo, I don’t need your help! I don’t need rehab!’

Tila hindi naman nagustuhan ng senador ang naging sagot ng pulis at agad itong kinontra.

“Ay hindi , sir. Mali ka dyan, sir. Huwag, sir. Huwag ganoon. Palibhasa gay, gusto makita agad ang katawan ng isang lalaki?” sabi ni Tulfo.

Dagdag pa niya, “Siguro may pinagmulan yung kaguluhan. Paano n’yo po nalaman na nagsasabi ng totoo itong complainant na pinaghuhubad siya ni Awra?”

Sagot ni P/Col. Cutiyog, ito raw ang statement ng nagreklamo kay Awra.

“Opo, statement po ng complainant ‘yun, sir. Dapat pakinggan mo rin ang statement ng inirereklamo. Hindi porke may sinabi ang complainant, bible truth agad na tatanggapin n’yo. Kasi Sir masama ‘yun. Para bang gustong hubaran itong si lalki at noong staw magpahubad kinamlot nya. Parang hindi po kapani-paniwala,” saad ni Tulfo.

Sinabi ng pulis na ibinase nila sa statement ng complainant ang imbestigasyon na kinontra ng senador at dapat hiningi rin daw ang pahayag ni Awra dahil parehas silang sangkot sa gulong nangyari at dapat arestado ang complainant.

Giit ng pulis kay Tulfo, wal naman daw nag-complain sa kampo ni Awra kaya hindi nakakulong ang mga lalaki.

Sinabi pa nitong kung magko-complain raw si Awra ay wala namang problema.

Tila inamin rin ng pulisya na hindi nito natanong si Awra kung nais rin nitong magreklamo dahil sa sagot nitong “Yes po. Sige po. Gagawin po namin.”

“And then let the fiscal decide kung sino ang nagsasabi sa kanila ng totoo base sa mga impormasyon na makakalap ng korte,” sey ni Tulfo.

Dagdag pa niya, “Kasi parang dini-discriminate n’yo. Palibhasa gay agad agad magre-request sa macho na maghubad at noong hindi pumayag na maghubad ang macho, kakamlutin. Parang discrimination maman yan sa LGBTQ community.”

Abiso pa ni Tulfo sa kapulisan, “Next time po maging patas po kayo at huwag po kayong mag-discriminate.”

Related Chika:
Ivana Alawi dumulog kay Raffy Tulfo, inireklamo ang business partner: Ang ayoko lang, ‘yung may maloloko pa sila

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Awra Briguela nadamay sa rambulan matapos ipagtanggol ang kaibigan, inaresto at pinosasan ng mga pulis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending