Awra nakakulong pa rin, ‘next week’ pa pwedeng magpiyansa

Awra Briguela nakakulong pa rin, ‘next week’ pa pwedeng magpiyansa

Pauline del Rosario |July 01,2023
facebook
share this

Awra Briguela nakakulong pa rin, ‘next week’ pa pwedeng magpiyansa

Pauline del Rosario - July 01, 2023 - 10:30 AM

Awra Briguela nakakulong pa rin, ‘next week’ pa pwedeng magpiyansa

PHOTO: Instagram/@awrabriguela

NASA kustodiya pa rin ng Makati police ang Kapamilya youngstar at social media personality na si McNeal Briguela o mas kilala bilang Awra Briguela.

At ayon sa Southern Police District (SPD) sa INQUIRER.net, sa susunod na linggo pa pwedeng makapagpiyansa ang aktres.

Ito’y kahit sumailalim na sa inquest proceedings sa Prosecutor’s Office sa Makati noong June 30 ng umaga.

“On or before 10:30 am nagsimula ang inquest,” lahad ng SPD public information office sa isang text message.

Baka Bet Mo: Raffy Tulfo sinupalpal ang ‘pagdi-discriminate’ ng Makati Chief of Police kay Awra: Mali ka d’yan, sir… huwag ganoon

Sinabi rin ng SPD na makakapaglagak ng piyansa si Awra kapag na-raffle na ng korte ang kanyang kaso.

“Baka next week siguro kapag na-raffle na [ang kaso] … para malaman [kung] kanino mapupunta or sino ang hahawak ng kaso,” ani ng pulisya.

Sa kasalukuyan, si Awra ay sinampahan ng mga reklamong physical injuries, alarm and scandal, disobedience to authority, at direct assault.

Matatandaan noong June 29 ng gabi ay nag-viral ang ilang videos ni Awra na kung saan ay nasangkot siya sa rambulan at dyombagan sa harap ng The Bolthole Bar sa Poblacion, Makati.

Ayon sa sa mga nakakita, nag-ugat ito matapos bastusin ang kanyang mga babaeng kaibigan sa nabanggit na bar.

Pero taliwas ito sa mga isinalaysay ng complainant na si Mark Christian Ravana sa pulisya.

Ayon sa naging interview ni Senador Raffy Tulfo kay Chief of Police ng Makati City Police Station na si P/Col. Edward Cutiyog, si Awra ang nagsimula ng gulo.

Kwento ng pulis, “Noong medyo nakainom na itong si Awra, pinuntahan itong victim at pinipilit itong hubaran para matignan ang katawan… Noong nasa harap na sila ng establishment bar na iyon ay sinundan sila ng grupo led by Awra and then pinagpupunit ang kanilang damit. And then sinira siya, and then nahulog, and then pinagtatadyakan ng ibang kasamahan. Yun po ang nangyari.”

Samantala, nauna nang kinumpirma ng kaibigan ni Awra na mismong binastos sa bar na si Zayla Nakajima na siya ay ipinagtanggol ng aktres matapos mabalitaan na dalawang beses siyang hinarass at hinipuan.

Related Chika:

Cristy Fermin nag-aalala sa lagay ni Awra: Mabait itong batang ito e!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Karen Bordabor nagpakita ng suporta kay Awra, inilarawan ang pakiramdam sa kulungan: Ang hirap ma-detain!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending