Cristy Fermin nag-aalala sa lagay ni Awra: Mabait itong batang ito e! | Bandera

Cristy Fermin nag-aalala sa lagay ni Awra: Mabait itong batang ito e!

Reggee Bonoan - June 30, 2023 - 06:34 PM

Cristy Fermin nag-aalala sa lagay ni Awra: Mabait itong batang ito e!

NAG-AALALA sina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa aktres na si Awra Briguela dahil napakaraming kaso pala ang ipinataw sa kanya ng otoridad nang hulihin siyang nagwawala sa labas ng isang bar sa Poblacion, Makati City dahil nasangkot siya sa gulo nitong Huwebes.

Napag-usapan ng dalawa ang isyu kay Awra kaninang tanghali sa programang Cristy Ferminute sa Radyo5 92.3 TRUE FM na ayon sa batikang host ay may mga tumawag at nakausap siya tungkol dito na iba-iba ang bersyon.

“Mabait itong batang ito eh, ma-respeto kaya lang kapag ang lalamunan kasi ay nabantuan na ika nga’y inuming nakahihilo at nakakapagpadulas ng dila at nakalalasing talaga pong tumatapang ang tao, iba-ibang version ang nakarating sa akin.

“Ang sabi ang alak kapag pinagsusumbungan natin nagkakaroon ng sobrang lakas ng loob, nagiging matapang tayo. Alam naman natin an gating ginagawa pero mabilis an gating kilos at pananalita madulas ang dila,” opinyon ni ‘nay Cristy.

Dagdag pa, “of course idine=depensa itong si Awra na nag bar-hopping sila usung-uso ngayon sa mga kabataan ‘yan. Pagkatapos sa isang bar lipat na naman, lipat na naman. Ngayon doon sa huli nilang pinuntahan dito sa Makati diumano mayroon daw nanghipo sa kanyang dibdib (Awra) at sa dibdib ng kanyang kasamang babae.

“Ngayon tinanong niya ng mahinahon, ‘bakit mo naman ginawa iyon sa amin?’ Hanggang sa lumabas naman ‘yung isa pang isyu na nagsasayaw nagkabanggaan (at) nag-sorry na raw ‘yung lalaki kay Awra lumabas para makaiwas sinundan pa raw ni Awra. Dinuro-duro at tinalakan ng tinalakan kaya nagkaroon ng rambulan, sabi (source) ‘yun daw.”

Iba naman ang nakarating kay Romel Chika, “’yung behind daw ng kaibigan niya (babae) pinisil (ng lalaki). Tapos meron pa raw may magpapa-picture sa kanya (Awra) tinanggihan niya!”

Tuloy ni nanay Cristy, “ngayon siyempre nakainom langolia (lango). Ang mga ipinapataw na parusa sa kanya (Awra) ‘yung physical injury dahil nagkasakitan, alarm and scandal talaga namang nang-imbita ng atensyon at kaguluhan tapos disobedience at direct assault sa mga Kapulisan.

Baka Bet Mo: Raffy Tulfo sinupalpal ang ‘pagdi-discriminate’ ng Makati Chief of Police kay Awra: Mali ka d’yan, sir… huwag ganoon

‘Yung pakikipag-usap niya sa mga pulis kitang-kita naman talaga (video) na nagtatalak ang lola mo. Talagang ayon sa Chief of Police ng Makati minura-mura niya ang mga pulis, Men in Uniform. Siyempre hindi nila pinalalampas ‘yung gano’n direct assault at saka disobedience ‘yun.”

Pagtatanggol pa ng CFM host ay bahay –trabaho lang ang routine ni Awra pero dahil sa kanyang kabataan ay gusto rin nitong ma-enjoy ang kanyang pagiging tinedyer.

Sinang-ayunan din ito ni Romel Chika, “dapat naman po talaga na ang mga kabataan ay minsan dapat din nilang maranasan ang nasa labas ng kanilang trabaho, dapat makipag socializing eme-eme.”

Dugtong ni ‘nay Cristy, “oo kung baga inagaw ng trabaho ang kanyang kabataan. Kaya may panaho na gusto rin niyang maramdaman na ‘ako’y tao, gusto kong maramdaman na ako’y teenager’. E, ang kabataan nga naman minsan lang darating sa ating buhay. Paglagpas mo ng teenager babalik ka pa ba ulit? Hindi na! kaya nakakalungkot na ang isang Awra Briguela na mabait na bata at sa mga kapatid (pamilya) ay nasangkot pa sa ganitong gulo, nakakalungkot.”

Samantala, pinansin ni ‘nay Cristy ang trato ng pulis na humuli kay Awra.

“’Yung pagkaka-posas ang laki-laki ng katawan nu’ng pulis tapos biglang tinutulak-tulak siya! Para bang nakapatay siya! Ganu’n lang ang obserbasyon ko. Parang hindi man lang binigyan ng karampatang kalayaan si Awra na bigyan ninyo ng respeto kahit pa nakipag bardagulan na, kahit pa nakipagbugbugan na bakit parang isang batalyon ang kanyang pinatay para pagsalikupin n’yo ‘yung dalawang sa likod na may patulak-tulak pa!” opinyon ng batikang manunulat at host.

Sinang-ayunan din ito ni Romel Chika na marami rind aw nakapansin sa tratong ibinigay ng pulis kay Awra gayung napakaliit nito.

Sabi pa ni ‘nay Cristy, “oo pero sa liit niyang iyon at kung ika’y men in uniform at tinatalak-talakan ka sabi nga nu’ng COP (chief of police) ay minumura pa, magagalit talaga.”

Anyway, bukas ang BANDERA sa panig ng mga otoridad na humuli kay Awra at panig din ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Cristy Fermin binanatan si Ricci Rivero: Dapat may garter ang dila

Payo ni Cristy Fermin kay Pokwang: ‘Sana nagagarteran niya ang dila niya… mukha yatang lumalabis siya sa kailangan’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending