Cristy Fermin binanatan si Ricci Rivero: Dapat may garter ang dila | Bandera

Cristy Fermin binanatan si Ricci Rivero: Dapat may garter ang dila

Therese Arceo |June 30,2023
facebook
share this

Cristy Fermin binanatan si Ricci Rivero: Dapat may garter ang dila

Therese Arceo - June 30, 2023 - 11:59 AM

Cristy Fermin binanatan si Ricci Rivero: Dapat may garter ang dila

HINDI nagustuhan ng kolumnistang si Cristy Fermin ang paraan ng pagsagot ng basketbolistang si Ricci Rivero ukol sa mga katanungan hinggil sa kanila ng dating karelasyong si Andrea Brillantes.

Matatandaang kamakailan ay nag-guest ito sa “Fast Talk With Boy Abunda” kung saan naglahad ito ng mga detalye ukol sa kanilang relasyon na nagtapos after 1 year.

Sa kanyang show na “Cristy Ferminute” sy napag-usapan nila ang pagiging “unbothered” ni Andrea na naispatang nagsasaya sa nagdaang concert ni Bruno Mars at tila hindi galing sa break up.

Pinuri naman nila ang dalaga na tahimik na nagmo-move on at walang idinedetalye sa publiko ukol sa nagdaang relasyon at pinuna ang basketbolista na tila hindi na pinag-isipan ang mga ibinahagi sa nagdaang interview.

“Maaaring andun yung pagtatakip sa kanyang emosyon, ang maganda lang, mahusay magdala si Blythe diba? Mahusay siyang magdala ng problema,” saad ni Cristy.

Dagdag pa niya, “Bakit mo nga naman masyadong iiyakan? Ba’t nga naman patatapos mo ang mundo mo dahil lang sa isang lalaki na nanakit sayo?”

Baka Bet Mo: Cristy Fermin naimbyerna sa ‘pakulo’ nina Moira at Jason: Ginagawa ninyong mga tanga ang sarili ninyo

Dito ay nabanggit ng kolumnista ang pagkukuwento ni Ricci ng paminsan-minsang pagsasama nila sa pagtulog ni Andrea habang mag-dyowa pa sila.”

“Tama ba naman na pati yung pagtulog nila sa bahay ng isa’t-isa, ikuwento pa ng kalalaking tao, diba ang daldal? Napakadaldal,” lahad pa ni Cristy.

Pagpapatuloy pa niya, “Si Andrea nga walang sinasabi diba? Kababaeng tao pa tas yun lalaki eh kuda nang kuda.”

Pinayuhan pa nga ni Cristy ang binata na dapat ay piliin nito kung ano lamang ang ibabahagi sa publiko bilang respeto na rin sa dating nakarelasyon.

“Dapat may garter ang dila, alam kung ano ang nararapat sabihin sa publiko at alam kung ano ang kailangang sa kanila na lang.

“Hindi yung diretso na magsalita eh truthful na, hindi totoo yun. Meron ngang iba diyan, kung magsalita kala mo totoong totoo, pag nasukol naman eh magde-deny,” sey ni Cristy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Hirit ni Cristy Fermin: ‘Matalas na rin ang dila ni Ion Perez, parang sumasabay na kay Vice Ganda’

Parang eksena sa pelikula…Ricci nahuli ni Andrea na may kasamang ibang babae sa condo: ‘Pero hindi po sa ‘kin ‘yung girl’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending